Namatay po ang aking ama October 6,2015 sakanyang trabaho, isa po siyang government employee sa loob ng 21 years. Noong month of december naghihintay po kami ng aking ina sa pagtanggap ng 13 month pay na dapat ay matatanggap sana ng aking ama kung hindi siya namatay. Nagtungo kami sa munisipyo para itanong kung bakit hindi na pwedeng mai claim anf 13 month pay niya, sabi ng payroll ng munisipyo ng Makati ang aking ama daw po ay hindi na entitled para dito, pero base sa payslip sa department nila ay meron siyang mga payslip ng cash gift, at kung ano anong mga allowances na dapat ay natatanggap ng isang empleyado tuwing december.
Tanong ko lang po, wala po ba kaming habol para dito? Ano po bang dahilan at hindi na siya entitled sa 13 month samantalang namatay siya nuong buwan ng october lang? Hindi rin maipaliwanag ng payroll ng makati kung anong dahilan para maunawaan namin ang tungkol dito.
Last edited by Mel_17 on Fri Aug 19, 2016 3:52 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : typo error)