Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

VAWC - verbal, emotional and psychological abuse

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Motherbear


Arresto Menor

Hi. Pasensya na kung mahaba. Gusto ko po kasi malaman if may laban po ako or wala. At kung anung pwede ikaso sa akin ng husband ko.. Salamat

Gusto ko lang po sana humingi ng tulong kung ano ang mga karapatan ko bilang babae at ina..

Mula po ng akoy nabuntis, ako po ay nakatira na sa aking mga magulang. Wala po akong trabaho at sya po ay paminsan minsan meron at minsan po ay walang trabaho. Nung nanganak ako, half ng bill po ay nabayaran ng mga kapatid ko. Yung half po ay promissory note at nakahiram po kami sa kaibigan nya na hanggang ngaun po ay hindi pa po namin nababayaran worth 50K. Ngaun po two years old na anak namin, dito parin po kami nakatira sa parents ko at sya po ay sa caloocan. Dumadalaw po sya sa amin pag may sweldo or pera po sya. Ngaun medyo nahihirapan po ako pakisamahan sya dahil sa sobrang seloso po nya, bawat txt nya sa akin puro bintang at hinala, nakakapagod na po sagutin, kahit madaling araw po ay di ako tinitigilan sa mga ganung txt nya. Pag lalabas po ako ng bahay para bumili ng needs ng baby ko, gusto po nya ittxt sya kung ano mga ginagawa ko at kung nasaan na ako. Kahit pagsakay ko ng shuttle ay gusto nya ittxt ko pa. At last week naman ay umalis ako nag apply ng trabaho ay sinamahan pa nya ako kahit hindi naman sya nag apply doon sa company. Nasasakal po ako sa pagiging seloso nya. Hindi po kami magkasama sa isang bunong dahil narin po sa pinansyal, wala po syang stable job. Pag ayaw nya po sa pinapasukan nya ay magreresign ito kahit wala pang kapalit, kayat lagi po ako may utang sa mga kapatid ko pang gastos sa anak namin. Noong May 10 po ay sumugod sya sa bahay ng parents ko at madami sya tinanong sa father ko kung umalis daw ba ako ng bahay. Pagkatapos po ay nagkasagutan kaming dalawa, nahampas ko sya ng face towel sa likod sa inis ko at humarap sya sa akin at sinugod ako. Napaatras ako dahil sa takot, mukha syang papatay noon, agad nyang hinwakan kamay ko at ginapos ako. Sa takot ko ay napasigaw ako at ang pamangkin ko na 15 yrs old ay natakot at tinawagan ang sister ko sa office kayat nagpatawag ng security guard ang sister ko. Nanginginig ako sa takot noon, dati po noong mag bf-gf plang po kami ay nananakit na po sya, tinatadyakan at kinakaladkad po nya ako sa kwarto. Pero dko akalain na mauulit ito noon May 10 kaya Nagmakaaw kami sa kanya na umalis na pero pinilit nya magstay. Pero sa pulit ulit naming pakiusap ay napaalis din namin sya. Sa takot ko at galit sa kanya, tnxt ko sya na di na nya kami makikita ng anak nya. Ang ginawa nya ay nagpunta sya ng abogado at sinabi sa akin na mananalo sila sa kaso at kukunin nila sa kin ang anak ko! Dko po alam kung ano ang ikakaso nila sa akin, dko po alam kung ano ang karapatan ko. Nakiusap po ako sa kanya na wag ituloy ang kaso. At nitong mga nakalipas na araw, pag hindi nya gusto ang sagot ko sa mga tanong nya ay ginagamit nyang panakot sa akin yung pag file ng case.. Ano po ang dapat kong gawin? Lagi po may takot sa isip at kalooban ko, ayaw ko po mawalay sa akin ang anak ko. Tulungan nyo po ako. Salamat po 

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

1. Kasal ba talaga kayo?

2. Wala siyang karapatan na saktan ka o tratuhin na parang ibon na kinukulong sa hawla.

3. Maghanap ka ng abogado mo at kung natatakot ka para sa seguridad mo at ng anak at pamilya mo, maari kang humingi ng Barangay Protection Order, at Protection order galing sa korte.

Kung hindi mo kayang magbayad ng abogado pumunta ka sa PAO.

Motherbear


Arresto Menor

Hi.
Kasal po kami pero di nagsama sa iisang bubong dahil noong una sabi nya aalis sya papuntang qatar, di naman natuloy. Paiba iba sya ng trabaho, maraming buwan na wla syang trabaho kayat dito ako sa mga magulang ko ako tumira. Ngaun binabaliktad na nya na kesyo ako daw po ang may gusto na dito kami tumira ng anak ko. Sabi pa nya kahit kaladkarin nya kami palabas dito ng bahay ay pwede nyang gawin dahil sya ang ama at asawa at karapatan daw po nya yun. Wala daw po akong karapatan na ipagkait sa kanya ang anak namin.

Nabasa ko po kasi na sa PAO po pag hindi malakas ang kaso ay hindi nila ito hahawakan. Sa tingin nyo po ba may laban ang kaso ko laban sa asawa ko?

Nakapagrequest na po ako ng baranggay protection kanina. Ang iniisip ko po ay yung sa PAO dahil wala po akong medical certificate tungkol sa physical harm kayat sa baranggay po ay verbal, emotional at psychological abuse po ang kaso.

Salamat po ng marami.

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

You will never know if they could help you if you don't try.

Motherbear


Arresto Menor

Hi! Itatanong ko lang kung pwede ako magpalit ng cp# dahil hindi parin ako tinitigilan ng husband ko sa mga txt nya at tawag kahit may Baranggay protextion order na. Wala ba akong nilalabag na batas pag hindi ko na sya kinausap? Sabi kasi nya tinatago ko daw sa kanya ang anak namin at ayaw ko daw ipakausap sa telepono. Ano po ba ang dapat kong gawin. Salamat

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

Hire a lawyer and get a court protection order for you and your child. Protection orders cover harassment via text.

Motherbear


Arresto Menor

Hi! Ask ko lang kasi pinadala namin thru LBC yung copy ng barangay protection order dun sa tinitirhan ng husband ko. Pero ayaw nya tanggapin yung letter, pangalawang balik na ng lbc dun pero walang may gustong mag receive ng letter. In short ayaw nilang tanggapin yung letter. Ano po ang dapat kong gawin pag ganun? Salamat po

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

You could just get the slip from the courier that the intended recipient REFUSED TO RECEIVE.

I suggest that you go to a lawyer to get a protection order from the court.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum