Gusto ko po sana magseek ng advice kung anong pwede kung ikaso sa dati kong kinakasama. may 2 kaming anak
1. naghiwalay kami 3 yrs ago, pumirma siya sa kasulatan na hindi nya ako guguluhin at pakikialaman.
2. my subpoena ako dati for death threat na inurong ko dahil sa pakiusap ng kamaganak nya. ngbabanta sya na papatayin ako at pamilya ko dahil iniwan ko sya. hindi ko na kaya ang ugali na nagger, seloso, mahilig gumawa ng kwento at nananakt.later on nalaman ko na nabuntis nya pala ako pero bago ako nanganak, napakaraming malicious na bintang ang pinagkakalat nya gaya ng nabuntis ako ng iba.
recent situation: till now, gusto nyang balikan ko sya kahit ilang beses ko na siyang tinanggihan. binabantaan nya din ako na kapag mgkabf daw ako e lagot ako sa kanya at ang pamilya ko. sinasabi nya din minsan na wala na syang pakialam sakin pero my bago akong work na one month pa palang. my random calls kami narrcv na ngiimbestiga tungkol sakin, at ngtthreat na ipapasara ang company. pinaactivate ko caller id and i found out na number nya sa office ang ginagamit pantawag. gang ngyon sinusubaybayan nya ako pero tinatanggi nya. gusto kong mgkapeace of mind at mamuhay ng tahimik. gusto kong mabigyan sya ng leksyon at finally tumigil sa pangugulo sakin at sa tatay ko na di nya tinitigilan ng pgtawag at text kaht sinabihan na sya. hindi na din ako natanggap ng sustento sa kanya dahil sinusumbat sa akin. ano po bang pwede kong gawin para finally, tigilan na nya kami. dati naawa ako at binibigyan ko sya ng chance for the kids. pero ako pa din po ang pakay nya.