Yung delivery boy ko kasi nag labas ng item dito sa shop at pinalabas nya na meron daw syang delivery that day 8am to be exact pero hindi sya nagpaalam dun sa naghahandle sa kanya dahil wala pa sa office at 9am pa ang start ng work talaga. Tapos hindi na sya nagpakita buti nga hindi dala yung motor.
Ganito po gusto ko mangyare gusto ko po sanang magka-record sya sa NBI para wala na syang ibang mapurwesyong tao. May ebidensya naman po kaming cctv at yung mga text message nya.
Ano po bang dapat kung gawin? Mag file ng case against sa kanya na kailangan pang dumaan sa court?
O pag nagpapolice blotter po ako automatic magkaka record sya sa NBI?
Pa help naman po. Kailangan ko lang po ng advice nyo. Salamat!