Patulong po, need ng legal advice..
Ang scenario: Tatlo kaming magkakapatid, ako ang middle.. Parehas nang patay ang mga magulang namen.. Si panganay (lalaki), may asawa at mga anak na, may sariling bahay. Ako (babae) at ang bunso (babae) ay wala pang asawa at kami ang nakatira ngayon sa bahay ng mga magulang namen.. Nagkakaroon po kami ngayon ng alitan nung panganay kasi gusto nya po ibenta ang bahay.. Inilalaban nya na sya ang panganay at may karapatan daw sya sa bahay.. Wala pong titulo ang bahay, kasi hindi pa ito bayad at under ito ng National Housing Authority (NHA).. Ang bunso po ang nakalagay na bebeficiary sa bahay..
Sa twing mag-aaway kami ay nagwawala si panganay at naninira ng gamit.. Pinabaranggay ko na po siya pero ayaw nya pong sumama sa mga brgy official.. Parehas po kaming babae ng kapatid ko at natatakot po ako sa pwede nyang gawin at baka saktan nya kaming dalwa ng kapatid ko. Nagdedemand po sya ng 60,000 para daw sa parte nya sa bahay..
At kung tatanungin nyo po kung gumagamit ng droga si panganay, may posibilidad po ito..
Looking forward po sa inyong advice..
Maraming salamat!