Ask po ako Ng advice Kung May kakayanan ba ang isang law office na tumawag sa trabaho ko at patanggal ako? Ako po ay Nasa ibang bansa bilang OFW. Nong 2009 nakapagloan po ako sa dating Kong company gamit Ang bankong PSBank dyan sa pinas. From early 2009 to Dec 2010 nakapagbayad po ako Ng salary loan as deduction ngunit di ko po Ito nakumpleto bayaran lahat, dahil aalis po ako papauntan Saudi. Binilin ko sa accounting at hr Ng company Kung ano man matitira sa back pay ko ibawas na nila lahat since 5 yrs nako dun. Ngunit after seven yrs nakatanggap po ako Ng call at nagemail sa company ko na sinisingil ako Ng utang ko sa isang law ofc dyan sa pinas. Hiyang hiya po ko at kung ano ano masasakit na salita sinabi Ng agent sakin. Buong Akala ko nabayaran Ng company ko nuon Ang balanse utang bagkus Ito pa ay nagsara pa. Di ko po Alam gagawin ko atty..baka mawalan Po ako Ng trabaho..kawawa Ang pamilya ko po..di ko po kayang bayaran lahat Ng hinihingi bilang bayad sa akin..walal po ako kakayanan bayaran lahat..di ko na po Alam gagawin ko po...
Hintayin ko po sagot nyo... Salamat po