Narefer po ako ng isang agency sa isang company. Nung na-hire na po ako ng company, bali hiningian po nila ako ng 1,100 pesos para daw po sa medical, processing fee, notarization of contract etc.
Nanggaling na din po ako sa ibang agency dati pero wala naman hiningi sa akin kahit piso maliban na lang sa 100 pesos para makapag open ako ng ATM. Ang sabi ng agency nung tinanong ko, head hunters lang daw sila at ang magpapasweldo na sakin ay yung company na nag hire sakin. Di ko magets yung sa agency kung papaano po ba talaga ang proseso nila.
Okay lang po ba na hiningan nila ako ng pera? Ganun po ba talaga yun? Talaga po ba shoulder ng employee yung medical pag small company lang yung nag-hire sakin?