Ito po ay kakaibang kaso dahil ako pong inirereklamo ang magtatanong. Kinasuhan ako sa barangay ng paninirang puri at pambabastos ng kapitbahay namin dahil nagkaroon ng pag-uusap sa loob ng aming tahanan ukol sa issue ng pag-aalis ng kanyang tindahan sa tapat ng aming bahay. Dala ng matinding emosyon, naitanong ko kung bakit hindi maaari na alisin ang pwesto nya sa tapat namin at ilipat na lang ito sa kabila sapagkat may isa pa syang pwesto roon ngunit ayaw nya tlg kung kaya masambit ko na bakit hindi po pwede parang masyado naman po kayong gahaman blah blah blah.
Inireklamo nya ako sa barangay at ako ay humarap at umamin sa nagawang pagkakamali. Humingi na rin ng kapatawaran sa harap ng mga lupon ng barangay sapagkat ito ang nasabi nila na aking gawin. Ngunit hindi nya po tinanggap ang paghingi ko ng tawad, bagkus ay nais na magharap kaming muli. Ang tanong ko po ay kung maiaakyat po ba ito sa korte, wala po ba akong magiging laban? Ano po ang mga consequences na dapat kong paghandaan? Ako naman po ay umaamin sa aking pagkakamali at handang makipag-ayos.
At kaugnay din po pala ng pagsasabi ko ng gahaman, ibinalik po samin ang mga katagang ito sa pamamagitan ng pagsasabi na mas gahaman daw po kame at ugaling squatter daw po na amin naman pong tinaggap at hindi sumagot sa mga katagang ito.
Nawa ay makatulong po sa akin. Pasensya na po sa mahabang pagbabasa. Maraming salamat po.