Good day po.. magtatanong lang sana ako kasi nghain po ng reklamo ang isa kung kasamahan sa opisina sa aming visor at isa po ako sa mga naging testigo. On going pa po ung imbestigasyon hanggang ngayon. Nabalitaan ko po na mghahain daw ng counter case ung boss namin as paninirang puri daw po. Ano po ang maaari nyang gawin samin kung hindi po napatunayan ung naging kasalanan nya? At parang bias din po kasi ung ginagawa nilang imbestigasyon at kumakampi yung mngr namin sa knya. Sana po ay matulungan niyo kami. Mraming salamat po.
Free Legal Advice Philippines