Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Legitimate child

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Legitimate child Empty Legitimate child Thu Apr 27, 2017 2:45 am

Ms.0614


Arresto Menor

Hi! Hingi lang sana ko ng pwede ko i-advice sa ate ko, May 2 kids sya and newly wed sila ng asawa nya. Btw ofw yung asawa nya. After ng kasal at vacation ng asawa nya, bumalik na Ito sa abroad. Pero nalaman ni ate na may babae pala dun yung asawa nya kahit before pa mag bakasyon yung asawa nya dito, so parang habol pala nung lalaki kaya nagpakasal is yung mga anak nya para may laban sya sa ate ko so ngayon nag dedeny yung lalaki na may babae sya sa abroad at hinahanapan ng mali ate ko para lang hindi sya yung lumabas na Mali, and lately lang sinabi nya na ayaw na nya sa ate ko (dahil sa paghahanap nya ng mali na wala naman katotohanan) and gusto nya makuha ang mga anak nila which is 4 yo and 2 yo palang since di naman daw kayang buhayin ni ate dahil wala syang work. Tinatakot nya ate ko na kukunin nya yung mga bata at ipapaabugado nya raw. Gusto ko lang malaman if may Laban ba ate ko kahit wala syang trabaho if kukunin man ng father ng mga anak nya yung mga bata kung mag abot sila sa korte? At isa pa, pag napatunayan na may babae sya sa abroad, na totoo naman kasi galing na sa tatay nung lalaki na meron nga pero wala lang matibay na ibedensya pwede ba nyang kasuhan ng concubinage yung asawa nya kahit nasa abroad? Sinabi kasi din nung lalaki na di sya mag papadala ng sustento dahil gusto nya sa kanya yung bata mapunta. Kung mag dedemand naman po si ate ng sustento sa father ng mga anak nya. Pwede ba makasuhan sya pag di nag bigay ng sustento? Malaki kasi sahod nya nasa 70k a month sa peso since dollars yung sinasahod nya. Pero nauubos lang din sa bisyo nya sa abroad dahil sugarol, lassengero at before nagtatake ng drugs yung lalaki Ewan lang ngayon, tapos ngayon nadagdagan ng bisyo which is pambababae. San kaya mapupunta custody ng mga bata? Since nasabi ko na sugarol, lasengero at nag take ng drugs yung lalaki, yung ate ko naman kasi tingin ko may anger disorder (Di sya nag pa checkup) pero binase ko lang sa kilos nya kasi mabilis talaga sya magalit at sobra din pag nagalit (kasi baka gamitin nila yung behaviour ng ate ko para sa kanila mapunta ang custody if umabot sila sa court) kanino kaya mapupunta custody ng bata kung pareho silang may ganyang attitude. May laban ba ate ko sa asawa nya kahit wala sya work? Sorry if mahaba at marami akong tanong! Sana masagutan po lahat at maliwanagan po kami. Salamat!

2Legitimate child Empty Re: Legitimate child Thu Apr 27, 2017 12:22 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

yung 2 anak ng ate mo sa same guy na nagging asawa nya? kasi bagong kasal pero 2 and 4 years old kaya hindi claro.

anyway kung yung asawa na lalaki ang tatay, parehas silang may karapatan sa custody ng mga bata. pero in the event of separtation, usually sa nanay binibigay ang custody ng mga bata Lalo kung below 7 pa sila. pwedeng icontest ng tatay na kaya nya gustong mapunta sa kanya ang mga bata at di kayang buhayin ng ate mo ang mga anak nila which is tama since wala syang trabaho. mas maganda na ngayon palang humanap na sya ng work para kahit magkadalahan sa korte at may laban sya kasi supposed to be both parents ang magsusuporta sa mga anak regardless kung gano pa kalaki ang sweldo nun isa. about sa psychological issues, ang mga abogado at korte ang maguusisa dito kaya mahirap magcomment. kung ano ang mas makakabuti para sa mga bata ang tintignan ng korte.

pwedeng pwede magdemanda ang ate mo to chase for financial support since kasal sila at para din sa mga bata pero since hiwalay na sila, expect na hindi na buong suporta ang matatanggap nya. korte lang ang pwede magdikta ng amount base sa kapasidad at pangangailangan ng mga bata.

regarding sa kakasuhan ng concubinage ang lalaki, oo kung may matibay kayong proof. hindi enough yung sinabi lang nun tatay nya na may babae sya.mag ipon muna kayo ng proof bago nyo balakin magkaso ng concubinage. kahit nasa ibang bansa sya pwede parin sya kasuhan kaso kelangan mauwi muna sya para maharap nya yung kaso in case Manalo kayo.

3Legitimate child Empty Re: Legitimate child Thu Apr 27, 2017 12:43 pm

Ms.0614


Arresto Menor

Pwede po bang gamitin ang mga chat messages, text messages and recorded voice as a evidence po? And nabasa ko po dito sa isang thread, Kapag napatawad ng babae yung asawa nyang nambababae ay mahirap kasuhan ng concubinage? Kasi before kahit alam na ng ate ko yung babae nya nakakapagusap pa sya ng maayos dun sa asawa nya. And if mag file ng ate ko ng case for concubinage sa asawa nya, what if di ito umuwi pa, so hindi po ma proprocess yung kaso hanggat di po sya bumabalik?

4Legitimate child Empty Re: Legitimate child Thu Apr 27, 2017 1:04 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

if napatunayan na nagsiping pa sila after malaman yun fact na nambababae yung lalaki is sign of forgiveness to kaya di magproprosper yung concubinage case.

hindi po enough ang chat messages, text at recorded voice since pwedeng pwede ikaila ito na hindi sila. concrete proof ang kailangan like pictures na papasok sa motel, etc.

kung magfile ang ate mo ng case, magtutuloy padin to kahit walang yung asawa nya. ang problema is hindi lang nya mahaharap yung case (like makulong) kung wala sya sa pilipinas. so kahit Manalo sya, kung di naman sya uuwi or mahuhuli eh hindi din sya makukulong kahit pa Manalo kayo.

5Legitimate child Empty Re: Legitimate child Thu Apr 27, 2017 3:53 pm

Ms.0614


Arresto Menor

Ganon po pala, hndi po ba na papa balik dito yung mga taong may kaso sa pinas? About po dun sa sign of forgiveness na sinasabi nyo, months ago po nambabae na po yung lalaki sa abroad before sila ikasal, nakipag hiwalay lang po yung guy sa babae nya at nangakong di na gagawin ulit yun then okay na po sila tapos ayun nga nagpakasal po sila, bumalik asawa nya sa abroad and nalaman ni ate ko po na may babae nanaman pala yung asawa nya don so wala na po silang sex contact nun. Btw po, salamat po sa pagsagot ng tanong ko po. God bless you!

6Legitimate child Empty Re: Legitimate child Thu Apr 27, 2017 6:02 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Yung sa unang instances hindi na pwedeng gamitin yun since nga pinatawad. pero yung sa pangalawa, hindi ko lang sure pero sa opinion ko, pwedeng palabasin na minanipulate yung ate mo para lang makasal sila. pwede siguro to gamitin pang annulment. kaso ibang storya yun.

wala po nadedeport pabalik ng pinas dahil lang sa concubinage case.

7Legitimate child Empty Re: Legitimate child Tue May 02, 2017 12:31 am

Ms.0614


Arresto Menor

Hi. Dito po ulit ako, may I know if strong evidence na po ba yung picture and some screenshots of conversation ng guy sa ate nya na inamin nya na may babae sya sa abroad? Yung pictures po na nakuha ng ate ko is, nasa loob ng isang kwarto yung guy and yung girl Sila lang dalawa at magkatabi sa kama Sila while yung guy (asawa ni ate) natutulog and yung girl nag pipicture. Btw, I also want to know if pwede ba nilang kasuhan ate ko, kasi nalaman ng ate ko FB password ng ate nung guy, and inopen, then nabasa nya conversation nung ate nung asawa nya and ng asawa nya na may babae nga sya dun, sinend din nya yung pic nila together kaya nakuha ng ate ko as evidence. Kaya lang, ginamit din kasi ng ate ko yung account ng ate nung asawa nya to send the pictures to the family of the other girl and sa relatives ng asawa nya sa ibang bansa. Pwede ba silang mag file ng case against my ate? (Hindi inamin ng ate ko na sya yung gumamit) So ngayon, sya yung pinaghihinalaan, nabasa din ng ate ko sa account na yun na pinapakuha ng asawa nya yung dalawang anak nya sa ate nya at balak na sa kanila muna mag stay. Pwede ba namin kasuhan ng kidnapping yung ate ng asawa nya pag natuloy yung pagkuha sa bata? Ang lalakas kasi ng loob, Sila na nga nakagawa ng mali sila pa matapang parang kasalanan pa ng ate ko kung bakit sila nag kakaproblema sa abroad. Ngayon plan ng ate ko magtago para di makuha yung bata bago pa man lumuwas yung kapatid ng asawa nya at kunin mga pamangkin ko, Okay lang ba na itago nya ang mga bata pansamantala? Thankyou, and God bless!

8Legitimate child Empty Re: Legitimate child Tue May 02, 2017 2:07 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

any evidence po na acquired though illegal means eh hindi pwede gamitin sa korte. kung public pictures or conversation sana pwede pero kung private, matatanong yan kung pano nakuha.

liable yung ate mo for hacking the account pero di ko alam tbh kung ano ang extent nito sa batas natin.

pwede naman hindi pumayag ang ate mo pag triny kunin yung mga bata since sya ang nanay at tyahin lang ang kukuha. pag may mga ganitong dispute pwede kayo lumapit sa DSWD.

9Legitimate child Empty Re: Legitimate child Tue May 02, 2017 10:21 pm

Ms.0614


Arresto Menor

How about dun sa plan ng ate ko na itago yung mga bata at wag ipakita sa mga kamaganak nung lalaki, pwede po ba yun at walang pwede i-file na case sa ate ko? Btw Salamat and Gob bless! Smile

10Legitimate child Empty Re: Legitimate child Wed May 03, 2017 6:28 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

pwede ireklamo ang ate mo kasi ipinagkakait nya yung right nung tatay dun sa bata.

11Legitimate child Empty Re: Legitimate child Thu May 04, 2017 3:47 pm

Ms.0614


Arresto Menor

Bale kasi binlock nung lalaki si ate sa messenger, Wala na silang contact. Then ang kinicontact nung guy ate nya and gusto nya ipakuha mga anak nila. Sa ate lang naman nung guy nya itatago kasi di naman din gumagawa ng way yung guy para contact-kin si ate ng derecho. Pwede pa din ba nilang kasuhan si ate pag ganun? Pwede ba ipagkait yung bata sa mga kaanak nung guy or Hindi?

12Legitimate child Empty Re: Legitimate child Thu May 04, 2017 3:53 pm

Ms.0614


Arresto Menor

And hindi na din naman nag bibigay ng suporta yung tatay ng mga bata, pinabayaan na mga anak nya kahit alam nyang nag gagatas pa parehas.

13Legitimate child Empty Re: Legitimate child Sun May 07, 2017 2:42 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Kung hindi naman pala sinusuportahan eh pwede nyo gamitin yun na dahilan sa pagkakait na ipakita ang mga bata sa kaanak.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum