Sana may sumagot sa mga katanungan ko..8 years na po ako sa company ko. Ililipat kami ng company sa "sister" company (run by same management). Yung sister company is 3 years old palang. Gusto ng HR namin mangyari ay mag-resign (notarized resignation) kami sa unang company at pumirma ng bagong kontrata sa sister company na walang mababago. Transfer lahat ng allowances,years of service, same lahat-lahat po. Parang nagpalit lang kami ng company name. Lahat po ng mga kasama ko nakapirma na, ako na lang po hindi, kasi feeling ko I was forced to resign at hindi ko po maintindihan kung tama ba un. Tama po kaya yung ginagawa nila? Hindi po ba dapat may makukuha ako separation pay o severance package for my previous company? Tama ba na yung tenure mo from last company ay pwede icredit sa next company? Ang reason nila kaya kami ililipat ay dahil yung company ay registered as International company at kelangan alisin ang mga local employee. I hope na may sumagot sa mga katanungan ko. May meeting ulet kami sa Miyerkules tungkol dito. Sana may makatulong saken anu dapat ko gawin. Baka kasi tanggalin nila ako sa trabaho. Maraming salamat po!!!