Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

pag post ko ng ganito sa FB..may nilabag po ba akong code of conduct (in general)?

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

naismagtanong


Arresto Menor

ganito po ang nangyare..

2days ago,nagdeclare po ang main ofc namen sa QC na halfday sila ng wed, april 12, 2017.. samantalang kaming nasa trece martires na office ay wholeday daw po.

marami po ang sumama ang loob. isa na po ako dun.. kaya nagpost po ako sa wall ko ng...

"kayo lang ba ang magbabakasyon?, kaya kayo lang ang halfday...!"

nakarating po yan sa top management.

kaya kinabukasan po, nagdeclare na rin sila na halfday kami.. pero may kapalit po.

pinaalis na po nila ako sa staffhouse na tinutulugan ko.. since sagot ng company iyon.
regular na empleyado po nila ako since 2009.

sinabihan din po nila ako na kung puro reklamo daw ako ay magresign nalang ako..

pero ang desisyon ko po ay hindi ako magreresign..

ang tanong ko lang po..

may mali po ba sa pagpost ko sa facebook?
since hinaing naman po yung post ko..
na sana po ay aksyunan nila, at hindi yung pagreresignin nila ung tao.

fyi lang po..

twice na po nilang ginawa yan..
nung una po ay after xmas party, kinabukasan, dapat 8am pumasok na kaming mga taga cavite sa work, samantalang yung mga taga QC po ay ok lang pumasok ng 10am, pero bayad sila ng 8hrs.

ginanap po ang party namen sa QC.


...ngayon po, ang balita ko ay gagawan nila ako ng memo.. at gagawan din po nila ng memo ung mga nagcomment sa post ko po..

maraming salamat po sa mga magcocomment..

lukekyle


Reclusion Perpetua

depende yan sa code of conduct ng companya nyo. pero advise lang wag mo pakialaman ang ibang tao/department. basta tama naman ang pakikitungo sayo hindi mo karapatan na mag reklamo dahil ang ibang tao ay nakatanggap ng extra na pabuya or ganansya. kung gusto ng companya bigyan ng 2 hours na paid. hindi kawalan sayo yun. hindi naman sayo ni charge yung ibibigay sa kanila.

naismagtanong


Arresto Menor

buong dept sa main office namen nagdeclare sila ng halfday.. samantalang sa branch office kung san ako kabilang ay hindi kasama sa declaration, samantalang iisang kumpanya lang naman kami..
makatarungan na ba yun?

lukekyle


Reclusion Perpetua

hindi mo na problema yun. kung gusto ng companya na yung branch sa main ay bigyan ng lechon araw araw or bigyan ng libreng kotse lahat ng pumapasok sa main branch, wala silang nilalabag. company prerogative ang tawag dun. wala kang paki alam. hindi mo pwede questionin.

ang pwede mo lang ireklamo ay kung meron nakasasulat sa contract mo na hindi nila binigay or kung meron nasa batas na hindi nila binigay.

naismagtanong


Arresto Menor

so hindi applicable ung pagkapantay pantay ng trato para sa mga manggagawa nila?

lukekyle


Reclusion Perpetua

hindi. sa komunista lang pantay pantay ang lahat. sa ating batas ang bawal ay if ikaw ang pinag initan or ni discriminate.

Patok


Reclusion Perpetua

pag masyado kang mareklamo ay pag iinitan ka talaga nila..

hindi porket nag declare sa QC eh dapat din mag declare sa Cavite..

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum