Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Termination Without due process due to Social Media Post

+3
Mc2012
lukekyle
mhak27
7 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

mhak27


Arresto Menor

Good Day!




Sir / Ma'am




ako po si Danmark Alba na nagtratrabaho sa Carmona Cavite bilang isang SAP System Encoder sa isang kompanya 3M Philippines pero ako po ay nasa ilalim ng agency (Servicore inc,).isang taon at isang buwan na po akong nagsailalim ng Agency.




may nais lamang po ako itanong kung may nalabag po ba akong pagkakamali sa aking mga nasabi o naipost sa Social Media (Facebook) na nagdulot ng aking pagka tanggal sa trabaho.




(Maari po ninyong makita ang aking tinutukoy na Post sa ibaba)




Termination Without due process due to Social Media Post Post10










ang post po na ito ay nagdulot ng pagkatanggal ko po sa trabaho dahil, ito po ay inakala na mayroon po akong kaaway

sa loob ng aming opisina o trabaho nais ko lamang po malaman kung may nagawa akong paglabag sa aking ginawa ang

akin pong pinapatamaan sa mensaheng ito ay ang aking kapatid na nakatatanda saakin. sa aking pagunawa nabigyan po

ito ng maling opinyon o paniniwala dahil sa mensahe ay may nakalagay na "TRABAHO LAMANG PO SANA ANG HANAP KO"

na ang ibigsabihin ay ang pagtrtrabaho ko po ng maayos na sya namang nababaliwala sa aming tahanan at nasabi ko po na

"MAAYOS AKO MAKITUNGO" na ang kahulugan ay maayos po akong nakikisama sa aming tahanan. at ito po ay isang pribado

pong suliranin na aking idinaan sa Socail Media (Facebook) sa akin pong pagkakaalam ay lahat po ng tao ay mayroon pong karapatan

na maipahayag ang nararamdaman (FREEDOM OF SPEECH).

ito po ay nagdulot ng agarang action ng 3M Philippines na aking pinagtrtrabahuhan sa ilalim ng ahensyang Servicore Phil.

may isang Regular Employee ng 3M Philippines ang labis na naapektuhan at na guilty sa aking mensahe sa Facebook sa pagaakala na sya ang aking

tinutukoy o pinapatamaan sa nasabing Post. ang Regular Employee po na ito ay aking kapartner sa Trabaho sa loob ng isang Taon kong pananatili

sa 3M Philippines. ito po ay kanyang nabasa sa Computer ng isa pang 3rd Party Logistics sa Warehouse at Tinanung kung sya po ang aking tinutukoy sa nasabing post

at ang itinugon ng empleyado ay ang Kuya nya ang tinutukoy nya sa nasabing post at agad pong nagbitaw ng salita ang regular employee na ako daw po ay ipatatanggal sa

aking trabaho. sa akin pong paguwi sa bahay ay nakatanggap po ako ng Mensahe sa Text mula sa aming Coordinator sa Agency Servicore na ako daw po ay hindi na pinapapasok simula

April 8, 2017 . at agad ko naman pong itinext ang aming Warehouse Manager ng 3M Philippines. kung sakanila po nanggaling ang desisyon na hindi na magpatuloy sa aking trabaho.

(ito po ang mensahe ng 3M Philippines Warehouse Manager)

Termination Without due process due to Social Media Post Txt13





agaran po silang nagdesisyon ng hindi po naririnig o nalalaman ang aking panig at hindi po dumaan sa tamang proseso at hindi dumaan sa tamang pamamaraan ng pagbibigay

abiso at bagkos sa Text Message lamang po ito sinabi saakin.

nais ko pong malaman ang aking paglabag sa nasabing post. at nais ko din pong maalaman ang legal na  aksyon na maari ko pong gawin kung ako po ay walang salang nagawa.




Karagdagan pong tanung ay tungkol po sa aking Agency ako po ay Outsouce Regular sa Agency Servicore nais ko pong malaman kung patuloy pa din po ba ang aking monthly payroll

kahit ako po ay natanggal na sa trabaho ano po ang aking mga makukuhang benipisyo sa pangyayaring ito at ano po ang mga dapat kong gawin na hakbang.









Maraming Salamat po

lukekyle


Reclusion Perpetua

ikaw ba ay tinatanggal din ng servicore? anong sabi nila? wala kang makukuha sa 3m unless mapapatunayan mo na ikaw ay empleyado ng 3m at hindi ng servicore.

tanungin mo ang servicore kung saan ka nila ipost next. meron silang six months to find you another posting. if wala silang mahanap they need to pay you separation pay

Mc2012


Arresto Menor

I am not sure if they followed due process (I think not!), but at least let this be a lesson-- NEVER EVER POST ANYTHING NEGATIVE ON SOCIAL MEDIA!

naismagtanong


Arresto Menor

ganyan din po ang kaso ko... nagpost ako sa fb ko. ginawan ako ng memo..
ang tanong ko langpo eh legal ba un?

lukekyle


Reclusion Perpetua

they dont have to observe due process if hindi ka nila empleyado. kaya nga u have to prove that you are for you to have rights

lukekyle


Reclusion Perpetua

na bigyan ka ng memo? yes legal yun. what can be questioned is if there are repercussions or disciplinary actions contained in the memo

arnoldventura


Reclusion Perpetua

Dapat din masunod ang twin notice rule kapag mag-dismiss ng empleyado. Try mo to basahin, baka lang makatulong sayo. https://www.alburovillanueva.com/dismissal-termination-employment

HrDude


Reclusion Perpetua

@arnoldventura. Kailangan pa bang i-open ang matagal ng saradong queries dito? Anong rason? Noong April, 2017 pa kasi ito. i believe lahat ng issue dito ay settled na... pati mismo sa nagtatanong.

Patok


Reclusion Perpetua

i agree please do not re-open old threads just to promote your website.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum