I would just like to know your advise on below scenario:
Na hire ako Aug 21 2016. My performance was evaluated on my 5th month, to be specific that was like January 20, 2017. (Aminado naman ako na hindi ganun kaganda yung performance ko haha, kaya nga pa resign narin talaga ko nun, anyway) Going back, below are the exact few words that my supervisor told me:
"Meron ka pang 1 month bago ang iyong regularization, so dun sa 1month na yun dun ka namen i-eevaluate para sa regularization mo. We can see kasi that your performance has ups and downs. There are times you're okay then biglang hindi."
So everything were okay, wholeheartedly tanggap ko naman yung comment ng supervisor ko saken. I know naman kasi myself. Hehe. Guilty is me haha
And then, the following month. On February 15, 2017 biglang.... tinawag ako para kausapin. My supervisor told me...
"Upon agreement with the management, ite-terminate na namen ang contract mo kasi hindi mo na-meet yung qualifications" So ako naman "Ahh okay po" then I asked, So ibig sabihin po ba nian tatapusin ko nalang yung ika-6month ko then exit na ko sa company?? But sabi saken, "No, pwede ka ng hindi na magreport bukas". Hahaha. At first oo lang ako ng oo, pero ngayon para naisip ko parang may mali.
Wala naman talaga mali kung iterminate nila ko for certain things or company qualifications na hindi ko na-meet.
But the thing kasi is sobrang biglaan. Nagbasa basa ako/nagreseacrh. Parang sa ibang bansa ata okay lang yung ganun na treatmnent, yung "surprise termination"
Naisip ko lang na hindi ba dapat kahit papano bigyan nila ng sapat na panahon para maka pag handa ang isang empleyado para din mai-ready ang sarili nia sa pagkawala ng trabaho o kabuhayan nia??
Maraming salamat po sa makakasagot.
Gusto ko lang din maliwanagan at kung may kaparehas din akong sitwasyon baka makatulong din.
Pasensya na kayo ang haba ng kwento ko hehehe