Itanong ko lang po ang karapatan namin sa lupang aming idinivelop sa mahabang panahon... 1950s pa po nun, binata pa ang mga magulang namin ng sila ay gawing tenant ng isang taong mayari ng humugit kumulang sa 24 hectars. Ang problema di na namin makita ang kasulatan na pinirmahan nila as tenants.. Ang usapan nila noon na huhublian ng mayari ang anumang itanim ng mga magulang ko don sa nasabing lupa. So nagtanim ang mga magulang ko ng mga niyog noon na ng lumaki ay binayaran naman ng mayari..
Lumipas ang mga taon.. dumating na po ang generation naming mga anak nila.. dahil sa kahirapan di nagawang taniman ng mga magulang namin ang mga natitirang lupa... Ang lupa po ay nakadeclare as 3 hectars fruitland at 20+ hectars na pasture o forest land sa munisipyo namin.. so taong 1990 dahil nakatiwangwang ang lupa na kung saan dun na kami isinilang at lumaki (45 years old na po ako now) tinaniman namin ang nasabing lupain ng mga namumungang halaman (mangga, santol at iba). Sa madaling sabi, Halos nging fruitland na ang buong lupain na dati-rati ay gubat na puro mga talahib, cogon at napakasukal na lupain. Lahat ng pananim namin ang binili namin, kumuha kami ng upahan para linangin at maidevelop ang nasabing lupain... Gumanda na nga po ang nasabing lupain sa pangangalaga naming magpipinsan (namatay na po kasi ung iba naming tyuhin na pinagkatiwalaan ng mayari).
Sa tagal ko po dito di ko pa nakitang pinuntahan ng mayari ang nasabing lupain na matagal na naming hinihintay para hublian nya ang aming mga pananim. (namatay narin po pala ang may ari) So, ngayon po tiningnan ko ang tax declaration ng nasabing lupa.. Magmula 1996 di na sila nagbayad ng tax. Binantayan po namin ang buong lupain na wag mapasok ng mga squaters.
Ngayon po may bumibili ng nasabing lupain.. Babayarin din po kasi ng bumibili ang halaman namin pero ang gusto ng may ari ay kahati sila sa presyo ng halamang itinanim namin. Sa totoo lang po di pa kami nakikinabang sa mga tanim namin kasi ang average na edad ng mga mangga ay 6 yrs. palang kaya puro gastos palang kami sa pagpapalaki.
Makatarungan po ba ang gustong mangyari ng anak ng may-ari (babae po sya) na hatian sa presyo ng halaman.. Anu-ano po ba ang aming mga karapatan sa nasabing lupain..
Sana po pagpayuhan nyo kami, kasi po baka sa susunod na araw ipatawag na raw po kami sa husgado para pagusapan ang nasabing usapin..
maraming salamat po
Vincent Carlo