Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ILLEGAL TERMINATION

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1ILLEGAL TERMINATION Empty ILLEGAL TERMINATION Thu Apr 06, 2017 12:34 am

CharlieFloydAva


Arresto Menor

Hi sir! Nais ko po sana hingin ang inyong tulong para sa aking kaibigan.
Naniniwala po kami sya ay nadismissed illegaly noong Feb 14 ngayong taon, 8 araw bago sya maregularize. First hearing nya sa NLRC ay noong March 31. Noong tinanong ng arbiter ano ang gusto ng kaibigan ko ang sabi nya reinstatement and she wants whatever is due to her plus monetary claims on moral damages. Ang sabi po ni arbiter bakit daw humihingi na sya ng moral damages claims hindi pa naman kasuhan. Ang reply ng kaibigan ko, because she believes she deserve it. Nareduce po yung claims ng kaibigan ko sa whatever is due to her. Kasi po sabi ni arbiter walang moral damages at sabi ni laywer na representative ng employer ay no-no na daw sa reinstatement. Icoconsult daw po ng lawyer na ito sa employer kung ano ang halaga na pwede nila ibigay. Pagkatapos pinapirma na po yung kaibigan ko, sa tingin ko minutes po iyon nung naganap na pag-uusap.

Ang nais ko po sana idulog sa inyo ay ganito: entitled na po ang kaibigan ko na ito ng backpay na makukuha nya after 3 months na pagkatanggal sa kanya. Paano po kung ganun lang din ang halaga na sabihin ng lawyer sa second hearing na ibibigay ng employer sa kaibigan ko tapos sabihin nila na yun lang kasi ang hinihingi nya at yun ang pagkakaunawa nila sa sinabi nya na "whatever is due to me"? Kasi po diba kung yun lang din ang ibibigay ni employer, parang nawalang saysay po yung pagdulog namin sa DOLE habang nandun pa din yung katotohanan na nadismiss sya illegaly.

Sa akin pong palagay my friend deserves better than that lalo na po at isang buwan syang nawalan ng trabaho at sweldo, isang buwan bago sya nakahanap ng bagong trabaho. Alam naman po natin na di madali ang maghanap at mag-apply. Pwede po ba nya sabihin sa second hearing na backpay plus monetary claims during unemployment ang gusto nya?

Salamat po sa inyong magiging sagot. Makakatulong po ito ng malaki kasi po pinanghihinaan na ng loob ang kaibigan ko at nastress na sya kasi pakiramdam nya wala syang kalaban laban. Maraming salamat po ulit. Ngayong darating ng Friday na po yung second hearing. Salamat po marami sa sasagot.

2ILLEGAL TERMINATION Empty Re: ILLEGAL TERMINATION Thu Apr 06, 2017 9:04 am

lukekyle


Reclusion Perpetua

Nasa mediation palang ba kayo or hearing na?

pinaka mainam nyan, sabihin mo nalang kung mag kano ang gusto mong makuha. For example P15,0000.00. Tatanungin ka ng arbiter san mo nakuha yang figure, ikaw na bahala magsabi 8k is for yung salary na hindi pa nabigay. 5k is for yung salary habang naghahanap sya ng trabaho. 2k is for etc. Para lang sure ka na nagkakaintindihan kayo kung magkano ang hinihingi mo. Tapos sasabihin sayo ni arbiter kung may basis or wala to ask for that amount.

3ILLEGAL TERMINATION Empty Re: ILLEGAL TERMINATION Thu Apr 13, 2017 12:26 pm

ineedananswerplease


Arresto Menor

Ano po ba ang pagkakaiba ng mediation sa hearing? Ksi ganyan db po gngwa Namib ngayin sa NLRC after ng usal sign paper ngayon po wla ng usap sagutan nalang po ng position paper.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum