Hi po. Nagpa assume balance po kami ng sasakyan. Nakapangalan po ang sasakyan sa asawa ko. Ang alam po namin is 4months lang po hindi nabayaran, nung naibigay na po ung bayad samin, at pumunta kami agad sa banko para po sana bayaran, kaso hindi po tinanggap ang bayad namin, instead hintayin daw po namin ang tawag ng collection. Nung nakausap na po namin ung collection, pinapabayaran po samin ang sasakyan ng full payment, kung hindi daw po ibalik nlng yung car. Since nabawasan na po ang pera, hindi na po namin naibalik ung pera sa bumili. Nagkausap na po kami ng nakabili ng sasakyan at ipinababalik nlng ang pera or idedemanda kami. Binigyan po nila kami ng taning hanggang april 11 kaso po wala pa rin bumibili ng bahay namin. Ano po ba gagawin namin? Malapit na po ang petsa at wala pa rin po kami buyer. Salamat po.
Free Legal Advice Philippines