Hihingi po sana ako ng tulong at advise sa aking problema.
Sa simula po ay nagkaroon ng civil case ang lupa na aming tinitirhan, dahil ang aming angkan ay nakipaglaban na maging may ari or tenant nito. Nanahan ang aming mga ninuno na ang lupa daw ay ipinamana sa kanila ng orihinal na may ari. Subalit ang anak pala ng orihinal na may ari ay ipinagbili ang lupa sa iba na siyang naging kalaban namin sa korte. Tumagal nang halos ng 25 taon ang kasong ito. Namatay na ngarin yung ibang nakikipag laban. Maraming beses kaming natalo sa kaso, maraming beses napadala ng demolition notice hangang dumating ang final na notice ipademolish ang aming lugar.
Madali naman kausap yung naging kalaban namin sa kaso. Nagkasundo naman kami sa presyong masasabi kong sana pala sa simula ay nagkabayarana nalang ng di na tumagal pa ang kaso.
SUBALIT…. Makalipas ang ilang taon ay gumawa pala ng hakbang ang iba ko pang kamag anak. Nagawa nila makipag usap DAR at sinasabi nila sa sila raw ang nanalo sa kaso at maging ang DAR ay ipinatawag kami dahil sa balitang ito. At sa DAR office mismo inaward ang lupa sa mga kamag anak ko, subalit wala naman naka detalye kung anong lote, saang lote at anong sakop. Ang kabilang panig ay nandoon din, ang nag mamay ari ng lupa. Dala dala nya ang mga titulo noong araw na iyo at mga mother title ng lote.
NGayon po ay naiipit kami. Kung sino ba ang may ari talaga ng lupa. Mabigyan nyo po nawa ako ng payo at kaliwanagan.