Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Attorneys advice please

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Attorneys advice please Empty Attorneys advice please Tue Mar 07, 2017 8:18 pm

Tepid26


Arresto Menor

Baka po may Atty nakaonline ngayon na mabbigyan ako ng advice sa mga katanungan ko.about po ito sa kasal ko na nagpakasal ako sa lalake may asawa na buong akala nya ay hindi nakarehistro dahil ng oras at araw ng kasal nya ay wala sya sa Pilipinas.nasa abroad kasi sya ng taon na iyon ay binalak pumunta ang babae kung san sya naroroon para sundan siya.Sinabi ng babae na may paraan daw siya.nakasama ng asawa ko ang babae ng ilan taon at nagkaanak sila pero sa ilan taon na yon ay marami ginawa ang babae masasama.panlalake,pagdroga,pagwaldas ng pera inipon ng asawa ko habang nasa ibang bansa habang ang babae ay may kinasama tomboy.hanggan sa matuklasan iyon ng asawa ko ng taon 2010 at doon na nga po kami nagkakilala.marami nagpatunay sa akin na totoo ang mga sinabi at nasaksihan ko rin po ang mga ginagawa ng mga babae kaya mas ginusto ko makasama ang asawa ko ngayon dahil sa hirap nya.kinasal kami ng 2015 na hindi alam ng babae dahil na rin sa mga anak nya doon.tuwing uuwi kami ng Pinas ay dun umuuwi ang asawa ko para sa mga anak nya at tuwing uuwi sya doon at iba iba balita tungkol sa babae ang ginagawa,at pati sa panlalake.sa city hall lang po kami kinasal at biglaan kaya po ang mga documents namin ay to follow at ng nakakuha ako ng cenomar ng asawa ko ay nakarehistro ang kasal nya at hindi lang isa kung hindi dalawa ang nakarehistro kasal niya pero dun lang sa babae kinasama niya.magkaiba lugar,araw ng kasal pareho taon.talagang sinigurado ng babae na makakapunta talaga sya sa asawa ko dahil nagbayad ng doble.napatunayan ko na rin na FAKE talaga ng nakakuha ako ng Marriage contract ng 2 rehistrado kasal magkaiba pareho ang pirma ng asawa ko kumpara sa mga ids nya ngayon at sa Marriage contract namin.Ang tanong ko lang po ay wala po bang bisa ang kasal nila dahil sa mga FAKE na ginawa at 2 magkaiba city hall kaysa sa kasal ko?kahit kasal nya ang nauna 1997 at ang kasal ko ay 2015?gusto ko na po kasi lumantad bilang asawa na pinakasalan dahil po yun mga anak ng asawa ko ay nabbrain wash po at ginagamit sa panloloko para makahingi ng pera.dahil nalaman po namin na hindi pinag aral ang 2 bata dahil sa hindi tinanggap ng school dahil sa malaking utang sa dati taon pa at yun iba pa anak niya ay hindi rin binayaran ang Monthly tuition na umabot ng daan libo kahig Regular ang padala at may nakukuha pa buwanan bayad ng mga umuupa sa apartment nila.naaalarma na po kasi ako para sa mga bata at sa asawa ko rin na baon kami sa utang dahil sa ginagawa ng babae sa kanya at nagkakasakit na ang asawa ko sa pag aalala sa mga anak nya.kapag tinanong nya ang mga bata ay hindi nagsasabi ng tao na alam namin natatakot magsalita.sana matulungan nyo ako dahil ngayon ay gusto niya ipalagay sa titulo ng bahay at lupa sa pangalan ng anak niya.advice po please dahil nasa ibang bansa po kami ngayon.

2Attorneys advice please Empty Re: Attorneys advice please Sat Mar 11, 2017 4:16 am

Tepid26


Arresto Menor

Sana may makabasa nito at kailangang kailangan ko ng advice

3Attorneys advice please Empty Re: Attorneys advice please Sat Mar 11, 2017 10:14 am

Katrina288


Reclusion Perpetua

Hi,

Kung wala sa Pilipinas ang asawa mo sa petsa ng kasal na nakalagay sa unang marriage contract, mabilis naman mapatunayan yan. Kung totoo man yun at pineke ang pirma ng asawa mo sa unang marriage contract, walang bisa ang unang kasal. Ngunit dahil kailangang ipadeklarang walang bisa ang kasal bago magpakasal na muli ang tao, wala din bisa ang kasal ninyo.

Ang kailangang gawin ng asawa mo at ipadeklarang walang bias ang kasal niya sa unang asawa at ang kasal ninyo. Pagkatapos ay maaari kayong magpakasal na muli.

Please take note na hindi porke naipadeklarang walang bisa ang unang kasal ay magkakaroon na ng bisa ang kasal ninyo.

If you need legal assistance, please email km@kgmlegal.ph

Best regards,
Atty. Katrina

http://www.kgmlegal.ph

4Attorneys advice please Empty Re: Attorneys advice please Sun Mar 12, 2017 10:06 am

Tepid26


Arresto Menor

Thank you Atty sa reply.may tanong pa po ako sana.kung yun unang Wife po ay meron din pala unang kasal bago sa asawa ko,ano pwede i kaso sa kanya ng asawa ko kung kami po ay kinasal din?kung mapatunayan po na voif un kasal nya sa una Wife dahil nga sa may kasal ng una un babae,hindi po ba magiging automatic na yun kasal namin ang magiging Legal?at Atty regarding po sa mga bata,kung ang nanay po nila ay binebrainwash ang nga bata,gamitin ang Facebook acct or Sim number pangtxt ng mga bata para kunwari yun mga bata nagsasabi ng ganun words,sabihin o tinuturuan lumaban sa mga matatanda,i record ang mga boses ng mga bata as proof against sa tatay nila, May kaso po ba na pwede isampa sa nanay na ganun?salamat po ulit at sana masagot nyo po ulit ang tanong ko Atty para magawa po namin ng maayos at hindi na makalabag sa batas

5Attorneys advice please Empty Re: Attorneys advice please Tue Mar 14, 2017 9:24 am

Katrina288


Reclusion Perpetua

Kung kasal na sa iba yung babae noong nagpakasal sila ng asawa mo at wala talagang bisa ang kasal niya sa asawa mo.

Bawal po ang magrecord ng usapan na walang pahintulot ang mga taong kasali sa usapan.

The rest of your concerns were answered via email.

Best regards,
Atty. Katrina

http://www.kgmlegal.ph

6Attorneys advice please Empty Re: Attorneys advice please Tue Mar 14, 2017 2:38 pm

Tepid26


Arresto Menor

Thank you always Atty .Katrina.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum