Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ILLEGAL DISMISSAL

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1ILLEGAL DISMISSAL  Empty ILLEGAL DISMISSAL Sun Feb 19, 2017 11:42 pm

christan19


Arresto Menor

Hi! Question po. Pde po b ako magfile nang case sa dole khit n under agency ako? Ang agency ko po is Worksavers and anf company na pinapasukan ko po is planet sports. Nakapirma po ako nang 1 year contract dun sa agency.

Kanina po kasi kinausap ako nang supervisor ko na last day ko na daw po sa work sa feb. 28. May nagcomplain po kasi sakin na customer na masungit daw po ako. Nag email po diretso sa head office. So, ang naging desisyon po agad nang head office namin is tanggalin ako. Ni ndi man lang po sila nag investigate or bigyan ako nang NTE. Sa ganyan situation po, pede po ba nila ako agad tanggalin?

2ILLEGAL DISMISSAL  Empty Re: ILLEGAL DISMISSAL Mon Feb 20, 2017 3:53 am

council

council
Reclusion Perpetua

Tinanggal ka sa Worksavers o sa Planet Sports?

http://www.councilviews.com

3ILLEGAL DISMISSAL  Empty Re: ILLEGAL DISMISSAL Mon Feb 20, 2017 5:43 am

christan19


Arresto Menor

S planet sports po ako tinanggal. Ung planet sports po sana ang kakasuhan ko nang illegal dismissal. Pde po ba un?

4ILLEGAL DISMISSAL  Empty Re: ILLEGAL DISMISSAL Mon Feb 20, 2017 6:20 am

council

council
Reclusion Perpetua

Hindi mo pwede ireklamo ang PS.

Hindi ka empleyado ng PS.

Ikaw ay empleyado ng WS.

Karapatan ng kliyente (PS) na ipatanggal ka kung ayaw nila sa iyo dahil meron kang kasalanan (kahit sumbong lang ito) or kung sa anumang dahilan, para hindi sila mawalan pa ng mga kostumer.

At tama lang na sabihin ng PS sa WS ang sitwasyon.

Sa pagkakaintindi ko iyong kwento, kahit wala ka na sa PS, ikaw ay empleyado pa rin ng WS so pwede ka nila ilagay sa iba pang lugar o trabaho.

http://www.councilviews.com

5ILLEGAL DISMISSAL  Empty Re: ILLEGAL DISMISSAL Mon Feb 20, 2017 6:37 am

christan19


Arresto Menor

1. Pwede rin po ba akong tanggalin nang worksavers dahil sa nangyari sa akin?

2. Gaano po katagal ako pwedeng hanapan nang trabaho nang worksavers? Nasa kanila na po ba yun kung gaano nila ako katagal mahahanapan nang trabaho?

3. Obligasyon pa din po ba nang worksavers na hanapan ako nang trabaho at bayad pa din po ba ako hnggat hindi pa nila ako nahahanapan nang bagong trabaho?

6ILLEGAL DISMISSAL  Empty Re: ILLEGAL DISMISSAL Mon Feb 20, 2017 6:43 am

council

council
Reclusion Perpetua

1. Kung sa "pwede" - oo. Basta sundin ang proseso (imbestigasyon, etc).

2. Hahanapan ka ng trabaho na sa tingin nila ay kaya mo, at hindi magiging problema para sa kanila.

3. Empleyado ka ng WS so dapat hanapan ka ng trabaho, pero kung wala ka pang pinapasukan, wala silang obligasyon na bayaran ka. Ang sweldo mo ay nanggagaling sa kliyente nila, pwera na lang kung ikaw ay mag-trabaho para sa WS mismo sa opisina nila.

http://www.councilviews.com

7ILLEGAL DISMISSAL  Empty Re: ILLEGAL DISMISSAL Mon Feb 20, 2017 7:07 am

christan19


Arresto Menor

Kahit po ba na ang hawak namin na item is item tlaga nang planet sports, under pa din po ba kami nang agency. Outright nman po yung hawak ko na item.

So, kpag po may ngreklamo lang na customer sa amin khit wlang investigation, pede na po kami agad tnggalin basta under nang agency?

8ILLEGAL DISMISSAL  Empty Re: ILLEGAL DISMISSAL Mon Feb 20, 2017 7:28 am

council

council
Reclusion Perpetua

walang kinalaman ang item o ano pa man.

ang PS ay hindi kailangan mag-imbestiga.
Merong nag-reklamo.
Pag pinabayaan nila ang reklamo ng kostumer, o nainis ang kostumer sa kung ano mang dahilan, mas mawawalan ng kostumer ang tindahan kung magkalat ng mga bali-balita sa iba, tulad ng pagpunta kay tulfo para magreklamo laban sa PS. Mas hindi nila gugustuhin iyon.

madalas nasa kontrata ng agency at kliyente (tulad ng PS) na pwedeng palitan ang tauhan na galing agency sa anumang dahilan. Kahit na sa isip ng iba, maliit na bagay lang yan.

http://www.councilviews.com

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum