Hello po. Sana po may makapagbigay ng advice. Nagrerent po kami ng apartment, meron pong 2 months deposit and then 1 month advance. Nagkaroon po kami ng financial problem last week of december going January po. 8700 po yung monthly rent but since po nagkaproblem kami dec-jan, partial lang po yung naibayad ko for january na eent. Instead of 8700, 3000 lang po naibayad ko kasi gipit po talaga. Now, furious po yung landlord and gusto nya po kami immediate eviction this week, sabi nya po forfeited na po yung deposit namin kasi hindi namin matatapos yung contrct. May 23 po sana end ng contract. He is forcing us out of the apartment po this week. He forced me to sign po a note saying na aalis po kami. Despite po na nakikiusap ako na hintay-hintayin lang po yung bayad kasi babayadan din naman. Nagkaroon lang talaga ng problem and malaki nagastos sa hospital kaya nagipit po sa pera. Hindi po sya nakikinig, and nagtataas lang po ng boses kahit magpaliwanag po ako, nirereject nya. Nakiusap na lang din po ako na sana bigyan nya kami kahit konte na time para makapag impake and makahanap po ng maayos na lilipatan. Ayaw po makinig and nagdemand po sya tlaga ng immediate eviction. Ano po ba yung rights ko if meron and ano po pwedeng gawin? Sana po may makatulong. Kinuha nya po yung mga susi so hindi po ako makaalis ng apartment kasi yun lang po yung susi na pwede magamit po sa gate. Wala na po kami point of entry if lalabas kami kasi wala na po kaming susi. Please help po. Maraming salamat.