May nakuha po ako na phone from home credit philippines last october. Nakapaghulog lang po ako once dahil po pinaalis po kami sa bahay ng nanay ko. Lumipat kami sa isabela. Nagumpisa po ng trabaho nung december. Nakiusap po ako sa home credit na mahuhuli ako ng pagbabayad dahil lumipat kami ng walang wala at ang sinasahod lang sa probinsya ay 240 a day. Kanina lang nagpunta sa bahay sa bulacan isang legal adviser at sabi galing na sa baranggay namin. Ano po next na move dto? If ever po ba na kukuha ako ng nbi clearance for employment magkakaroon po ba ako ng hit? Salamat po..