Hello po. Gusto ko lang po malaman ang legal rights ko. Kumuha po ako ng cp worth 20k. Nag downpayment ako ng 6k para po marelease ang phone. The next month, nagkataon namang naghiwalay kami ng asawa ko at naiwan sa akin ang anak ko. Naiwan sa akin lahat ng gastusin kaya naisantabi ko po ang monthly ko sa Home Credit. Since then, wala pong tigil ang home credit sa pagtawag sa lahat ng reference ko during application at naiintindihan ko naman. Kaya lang talagang di ko pa kaya sa ngayon ang idagdag sa gastusin ang sinisingil sakin dahil aabot ng 18k to think na 20k lang phone at nakapag down ako ng 6k. Hanggang sa puntahan na ako dito sa bahay, sigaw sigawan ng collector at kaninang umaga, nagtext sila na magpapadala na daw ng sherif para kunin ang mga gamit dito sa bahay dahil sa di nabayarang monthly at may kaso na daw po akong qualified theft. Sa ngayon po, puro demand letter sa office nila at text pa lang ang natatanggap ko. Gusto ko pong malaman kung matuturing na qualified theft ang kaso ko kung may downpayment naman po ako at kung legal ba ang gagawin nilang pagpapadala ng sheriff para kumuha ng gamit ko. At kung di ko na po talaga kayang mabayaran ang utang ko, pwede ko na lang po bang isauli ang unit or may mas magandang paraan gaya ng paghintay na lang ng demand letter from the court at makipag settle sa terms na kakayanin ko?
Sana po ay matulungan nyo ako. Salamat.
Sana po ay matulungan nyo ako. Salamat.