May isa pong driver ng tricyle na kolorum ang laging naghahamon sa kapatid ko at laging sinisigaw ang kapansanan nito. Sadyang mahina lang po ang loob ng kapatid ko sa mga away kaya umabot ng may isang taon po ang pambubully ng lalaking iyon. May oras na kapag naglalakad daw po sa kalye ang kapatid ko ay gigiliran niya ng tricycle. Minsan naman daw po ay ginitgit ang tricyce ng kapatid ko e pasahero pa naman nito yung 3 taong gulang na apo niya at anak na babae.
Ng nakaraang linggo, nagkakasiyahan daw sa aming kalye at may kaunting inuman sa kapitbahay namin. Dumaan po itong lalaking ito para maghatid ng pasahero pero pagbalik ay hinamon na naman ang kapatid ko.Sumigaw daw po ito ng 'ANO BANG GUSTO MO?" Balita po ay tanghali pa lang ay nagiinom na ng gin sa pilahan ang lalaking iyon. Sinagot na daw po siya ng kapatid ko ng 'ANO BANG GUSTO MO RIN?" Marahil, nakita niya na masaya ang kapatid ko sa grupo kaya mambubully na naman. Umakma daw po itong kukunin yung kahoy sa loob ng tricycle niya pero nakatayo na po ang kapatid ko at naunahan niya ito. Nang makuha ng kapatid ko ang kahoy, manipis lang po ito, umikot sa likod ng tricycle ang lalaki at umakmang may dudukutin sa bag niya na nakasukbit sa katawan nito. Sa pagaakalang may panaksak o anupaman lalo na at pinamamalita nito na dati siyang sundalo. Pinalo niya ito na nasalag ng dalawang kamay kaya nagkasugat ng di naman kalakihan. Naawat po ito kaagad ng mga tao. Umalis at nagsumbong sa barangay. Aware naman po ang pamilya na me kasalanan ang kaanak nila pero humihingi po ng danyos na hindi siya makadrive ng tricyle (na kolorum naman) bukod sa mga gamot. Hindi din po siya myembro ng asosasyon ng tricycle sa lugar kaya sa ilegal na pilahan pumupunta. Kumikita daw po siya ng 1k isang araw na ikinagulat ng lahat pati na po yung mga tricycle drivers na napagtanungan ko. Kung di po kami magkasundo sa laki ng hinihiling nila, maaari po ba kami magcountercharge at daraan po ba ito sa barangay kung magsampa po sila ng kaso sa korte? Umaasa po na mabigyan ninyo ako ng payo. Salamat po ng marami.
Last edited by yellowbell on Sat Feb 04, 2017 11:15 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : pinaikli lang po sa detalye)