Kelangan ko po ng tulong ninyo. Ako po ay nascam dahil po ako ay nagload sa taong diumano ay nagbbenta ng discounted na game loads. Nakasave po sa akin ang picture, convos tyaka ung refund na naganap po sa aking account. Ang halaga po ng nascam sa akin ay php 8,000. Naging successful naman po yung deal namin kaso kinabukasan po, nagrefund po yung load dahil sa hinihinala ng game system na stolen yung creditcard na gnamit para maloadan ako. Dapat ko po ba ituloy pa ang pagsasampa ng kaso? O kung may iba pa pong mas magandang paraan, tyaka malakas po ba ang tyansa kong maipakulong yung scammer na yun. tulungan nyo po sana ako kung saan po mas madali at mapapamura ang proseso dahil ako po ay 24 years old lamang at walang panggastos ng malaki kung sakaling kakailanganin ng mga abogado.
Free Legal Advice Philippines