Pinapaalis po kasi kami ng may ari sa lupang kinatitirikan ng bahay namin. More than 100years na po kami nakatira dito. In fact may mga resibo po kami from 1930-1995 na magbabayad po kami ng renta sa kanila. Piso pa lang po ang renta non hanggang taong 1990 nasa 1000 na po ang renta. Sa katunayan po original na kasamak ang lolo ko, pinaka matagal syang nagsaka ng lupa kaso nagksakit po sya kaya pinamahala na sa iba ang lupa. Saktong dinistribute sa term ni Cory ang mga lupain sa mga kasamak. Hindi po nabigyan ang lolo ko kahit maliit na lupa. Sa lupa naman po na kinatitirikan ng bahay namin, dahil magkumpare po ang lolo ko at may ari usapan po nila noon na ibebenta na lang sa amin ang lupang kinatitirikan ng bahay namin. Kaso namatay na po sila parehas hindi na po kami papaniwalaan ng mga anak nung may ari. Ngayon po pinapaalis nila kami. Gusto ko lang pong malaman anong magandang gawin? salamat po sa mga sasagot.