Good evening. That was Oct 24, 2016 4:45pm po tinadyakan yung pinto ng bahay ng bf ko, then pumasok sila tapos ginulo nila bahay tapos dinala nila bf ko, walang nakuha sa kanya na drugs, yet ang kaso nya is sec.5 and 11, walang warrant of arrest, search warrant or brgy. Officials tapos di naka uniform ung pulis, pero ang kinuha nila rice cooker, pera na pambayad namin ng bills at panggastos namin for a week, tapos yung relo na collections nya, at cellphones na inilagay nila sa loob ng rice cooker bago dinala sya. I was scared and shocked that time kaya wala ako nagawa, kasi pinatabi lang nila ako sa sulok pero kita ko yung nangyari kasi isang pahaba lang ung bahay tapos maliit lang, tapos nung kumuha kami ng documents nya nakalagay dun na nagbenta daw sya drugs worth 300 sa pulis sa labas ng bahay tapos saka sya hinuli, kaso that time whole afternoon nasa loob lang kami ng bahay naglalaba sya ng bed sheets at blankets kase di ko kaya labahan since may sakit ako that time, di kami lumalabas nung bumili lang kami ng lunch at sabon magkasama pa kami..then nagkaroon ng arraignment ng di namin alam ang nakuha daw sa kanya are 8 sachets na may weigh na 4.03 gms ng drugs. Nag not guilty daw sya sabi nya sakin nung dumalaw ako, tapos binulong nya sakin na tinatakot daw sya ng pulis na aminin na daw yung nasa papel. Is it possible na mag file kami ng complain sa nanghuli sa kanya? And ano pa po ba pwedeng gawin na action para maless yung sa case nya kasi sabi 20 years daw un, pwede ba un mapababa ng kahit ilang taon lang sya sa loob? Pag po ba nasa detention at wala pa sa bjmp counted po ba yun sa araw ng sistensya nya? Tsaka pwede po ba sya magpalipat ng branch para ibang judge ang humawak ng kaso nya since yung judge na may hawak ng kaso nya ngayon ay may personal na issue sa kapatid nya? Next trial po nya is March 22, 2017 daw po. Sana po matulungan nyo ko sa mga pwede pa po namin gawin. Salamat po.