Ang inang ko po ay may pag-aaring isang small property at pinauupahan nya po ito sa isang tao since 2005. May contract po sila na nagsasaad na good for one year. After a year, hindi na po nakagawa ang mother ko ng contract (renewal) pero tuloy pa din po ang upa ng nasabing tao. Ok naman po lahat pwera lang ng pumasok ang taong 2008. From January-September 2008, hindi na po nakabayad ng upa. Inintindi po namin kasi sumulat po siya sa amin at nagsabing babayaran nya po kami. Nagpadala po kami sa kanya ng sulat upang lisanin na ang property para mapaupa naman po namin sa iba at binigyan po namin sya ng 1 month. kasi kailangan din po namin ang income kasi yun lang naman po ang inaasahan namin para din po makaaral kami. Hindi nya po nilisan ang lugar dahil po sumulat sya sa amin na kailangan nya po ang pwesto namin. Pinagbigyan po namin bilang Kristiyano. Hanggang noon pong February 2009, kung susumahin ang unpaid debt nya po ay sumampa ng lagpas 100, 000 na po. (15,000 po kasi monthly ang upa). Nangako po sya na babayaran nya kami ng 20,000 monthly to cover the monthly rental plus partial payment po ng unpaid rentals. Hindi na po tinanggap ng nanay ko ang alok kasi po masakit na po sya sa ulo. Hanggang ngayon pong October, andon pa din po sya sa pwesto, ibinibigay nya po ang bayad sa amin pero hindi na ho tinatanggap ng nanay ko kasi baka daw ho maging tanda iyon na nirenew nya ang kontrata.
1. Ano po ang dapat naming gawin?
2. Pwede ho ba namin syang padalan ng Notice to Vacate the Property at ipaenforce po sa barangay?
3. Nag-issue po siya sa amin ng ilang bouncing checks, totoo po ba na sa batas ngayon ay wala na daw pong nakukulong sa bouncing checks?
4. Over 100,000 na po ang arrears nya, hindi na po kami pwede sa small claims court? Ano po kayang kasulatan o hakbang ang maaari naming gawin para mo makasingil kami kahit papaano?
salamat po ng madami, atty!