Hi, Gusto ko lang po mag seek ng opinions nyo about my current situation. Naghiwalay kami ng asawa ko ( though not yet leagally ) because of malicious acts from her side. Multiple times ko siyang nakitahan ng abnormal conversations with other guys and yung iba kilala ko pa. We used to work on the same company. Meron cyang unang anak pero nagkaroon kami ng daughter who is now 5 years of age. pinakasalan ko cya despite her situation back then. for three years ok naman ang takbo ng relationship but then nung nagstart nako maginvestigate dahil sa duda, nakita ko na ang lahat ng hindi dapat makita. Naghiwalay kami dahil nagsawa nako sa mga nangyayari. nagresign cya sa company namin and opted to work far from our current location and eventually kinuha nya ang mga bata. I guess wala akong magagawa for that since nanay cya and I pity my kid na mapapalayo cya sa nanay nya at a young age. nagpprovide ako ng sustento per month but last september, nawalan ako trabaho so natigil muna pero nag advise ako sa kanya na baka hindi muna ako makkapag bigay since wala nga ako trabaho. Siya, nagkaroon ng anak sa ibang lalaki na kasama niya sa bahay nila ngayon. ang lalaki ay dati nyang superior na mayaman sa previous company namin. ngayon, i am trying to reach out to her, pati nanay nya, para mahiram ko ang anak ko kahit for Christmas lang pero matagal ko ng ramdam na pinagdadamot cya sa kin. it has been 6 months na hindi ko nakikita ang anak ko. ni matawagan hindi ko makausap dahil puro ignored ang messages and calls ko. I just wanted to ask what would be the best approach dito. Do i have grounds to file a case against Her and ang kasama nya ngayon? Maraming Salamat po.