Good day po!
Ako po ay magtatanong lamang tungkol sa parking rules ng mga trucking companies.
Mayroon po kasi kaming kapitbahay na driver ng delivery trucks. Siya rin po ang namamahala ng mga nasabing truck. Pero lagi po nila ipinaparada sa sidewalk. Residential area po kami. Nakatira sila sa isang apartment. Madalas po pati pagkukumpuni ng truck ay ginagawa nila sa daan. Napakadelikado po lalo na sa mga batang dumaraan.
Nakipagusap na po kami sa may ari ng trucking service at sinabihan po kami na ipaparada na daw po sa parking area na inuupahan po nila. Napakaraming pakiusapan pa po ang nangyari.
Ngayon po napapansin ko na madalas na naman sila nagpapark sa harap ng tinutuluyan nila. Sinabi ko po ulit dun sa driver pero siya pa po ang nagalit.3 po kasi yung truck. Yung 2,naipapark po sa loob ng apartment pero yung isa, nasa labas. Tuwing umuuwi po sila, lagi sila pumaparada dun.Nagkaroon na po kami ng pagtatalo dahil lang po sa pagtanong ko na kung bakit lagi na naman sila pumaparada doon. Sila po ang nagdedeliver ng mga appliances. Sinubukan ko po pakiusapan ang nasabing appliance store na kung pwede ay tulungan nila ako pero ang sagot sa akin ay ipapaalam lang daw po sa pinakamay ari ng truck.
Tama po ba na may karapatan silang i-park ang truck nila sa kalsada? Hindi po commercial area itong amin. Maraming salamat po sa sasagot at makakatulong na maliwanagan po ako.