hello po,, gusto ko lang po humingi ng legal advice sa case ng lola ko.
Ang lola ko po at ang kanyang mga kapatid ay nakamana ng lupa sa kanilang mga magulang. Ang pamangkin po ng aking lola na anak ng kapatid nya ay isang contractor at engineer ay binili yung ibang parte ng lupa maliban sa lola ko. Tapos po inofferan nya si lola na ipahiram sa kanya ang titulo ng kanyang lupa para pagsamasamahin ito dahil plano nya magtayo ng subdivision sa area na yon. Pinangakuan nya po si lola na kanyang lupa ang unang mabibili kapag nagkataon kasi malapit lang sa daan. Sa makatuwid po ay pumayag po ang lola ko na ibigay ang titulo nya sa tito ko para sya ang mamahala. Lumipas na po ang ilang taon na wala pa rin pong nangyayari sa lupa. Nagkasakit po ang bunsong anak ng lola ko at namatay na hindi naipapagamot dahil kapos sa pera samantalang ang panganay po nyang ay kasalukuyang nakaratay dahil sa stroke kaya nagdesisyon po si lola na ipagbili na lang yung parte nya sa lupa para hindi na umabot ulit sa punto na mawalan sya ng anak na di nya natutulungan. Sinabi po niya ang desisyon nya sa tito ko na engineer ngunit nagdadahilan po sya na hindi naman daw po madali ipapilas ang titulo at hindi naman daw po mabibili ng mahal ang lupa ng lola ko. Ang gusto po ng tito ko ay bigyan nalang ng 200k si lola para sa lupa nya. Meron po kami nakausap na interesado bilhin yung lupa sa tamang presyo at willing narin po sila na sila na ang magpapadeattach ng titulo at ibabawas nalang ang nagastos sa kabuuang bayad sa lupa ngunit ayaw parin po pumayag ng tito ko na ibalik sa lola ko ang kanyang lupa.. 80 na po si lola at natatakot syang mamatay syang di man lang nakuha ang kanyang lupa. Ano po bang dapat gawin ng lola ko o me laban po ba kami in case na ikaso namin ito? maraming salamat po