Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Refund of Reservation - Apartment for Rent

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

acarnivalmantra


Arresto Menor

Hello, good day po. Hope you can give us advice on our concern.

Mag-asawa po kame na naghahanap ng mauupahang bahay. Buntis po kasi si misis kaya gusto naming lumipat sa malaki-laking lugar dahil po studio type lang ang inuupahan namin at dadalawa lang naman kame. Meron po kaming nakitang ad na naka-post sa OLX. Apartment po siya sa Mandaluyong worth 9,500 pesos. 1 month advance and 2 months deposit. Noong time na pinost ang ad sa OLX, meron pa daw pong kasalukuyang nakatira na tenant na naka-planong umalis noong Nov. 30. Sabi namin pupuntahan namin sa Nov. 8 baka sakali masilip namin. Okay lang daw sabi ng owner kaso sa labas lang pwede tignan at may nakatira pa, kung ano naman daw nakapost na picture online, as is naman daw po ang condition nung unit.

Pinuntahan po namin ng Nov. 8 ng gabi, mga 8PM. So yun  na nga, hindi namin nasilip sa loob, wala din nun yung current tenant. Nakausap lang namin yung may-ari at biyenan niya. In-assure kame na in good condition yung unit, isang taon pa lang naman daw yung current tenant nila. Mababait po sila kausap nung araw na yun. Napalagay din ang loob namin sa kanila. Even sa text magalang at maayos sila kausap.

After nun inexplain nila na para hindi na i-offer sa iba, kailangan daw magbigay ng reservation na one month worth of rent (9,500 pesos). Sa kagustuhan naming magka-peace of mind dahil may siguradong lilipatan kame, at para na din naka-settle na kame once mag-due na si misis, pikit mata kame nagbigay ng reservation kahit hindi pa namin nakikita ang unit. Pinagkatiwalaan na lang namin yung words ng may-ari. Sabi namin babalik kame ng Dec. 1 para masilip muna bago kame mag-move-in ng Dec. 2. Ang sabi ng may-ari by the time umalis ang tenant, ipapalinis daw muna din nila. Ang sabi din niya, no cancellation yung reservation. Ang sabi lang namin we understand basta in good condition yung unit.

Noong Nov. 30, Mga 4PM nag-text yung may-ari, umalis na daw nung araw na yun. Ipapalinis niya daw yung unit. Sabi ko, pupuntahan namin sa Dec. 1. Pagpunta namin ng Dec. 1, tumambad sa amin yung tunay na condition ng unit. Unang una napansin namin, hindi yun ang unit na nakapost sa OLX. Iba yung position kasi ng kitchen at room at yung CR wala namang shower at napakadumi unlike nung sa photos. Hinala namin, yung sa kabilang unit ang pinost nila. Pagdating sa pintura nung bahay, mukhang may 3 years na ding hindi narerepaint. Yung floor and walls hindi din siya presentable. Worse, clogged ang kitchen sink at yung laundry area nag-clog din daw pero nung time na yun kapapa-ayos lang daw nila. Isusunod na raw ang sink. Ang CR napaka-dumi, parang public CR na yung hitsura. Habang nag-checheck kame, nag-start na kameng maging half-hearted kung itutuloy pa ba namin. Naawa ako kay misis kasi yung hitsura nya parang pinagkaitan ng magandang kinabukasan. Sabi ko hindi magiging maganda 'to sa kanya pati sa paparating na baby namin. First baby namin, ayaw na sana naming iisipin pa kung ano mang problema ang lalabas sa bahay na yun. Gusto naming mag-focus sa pagiging new parents. At isa pa, parang ang unsanitary nung unit para sa bagong silang na sanggol. Sana man lang kasi, ni-restore/repaint niya muna bago in-offer sa publiko.

So after nung visit na yun, na-pressure kame dahil ang plano ay lumipat na kinabukasan. Nag-sabi na kame sa dating landlord namin at naka-schedule na yung movers on Dec. 2. Matinding konsiderasyon ang ginawa namin. Inisip namin, magtitiis ba kame ng 1 year (min. tenure time) or try namin bawiin ang reservation, kahit portion lang or kahit wala na kesa magdusa kame sa bahay na yun. We chose not to proceed, sabi namin alang alang sa first born namin. So we texted yung may-ari na hindi na kame tutuloy dahil nga sa reason na hindi siya in good condition, as we've agreed before.  Eto na at nag-iba na ang mabait na tono nung may-ari sa text before. Sinabi naman daw niya na no cancellation at no refund dahil nga nawalan na siya ng ibang opportunity since dineactivate na niya yung ad. Apologetic ako sa kanya since last minute nga ang pag-back out namin. Sinubukan ko talagang daanin sa diplomasya pero hindi na siya ma-convince na hindi presentable at tenable ang unit niya. Sabi ko kung maari ibalik sa amin yung reservation kahit  7,500, para sana masabi ko sa landlord ko na mag-extend pa sana kame. Ayaw niya pumayag. Eventually, sabi niya ibabalik niya daw 50% if may mag-occupy ng unit, if may sumagot sa mga napakaraming nagtext sa kanya para magtanong kung available pa ang unit.

Isa sa mga pagkakamali namin, hindi namin na-picturan yung tunay na condition ng unit. Pero meron akong mga screen shots nung ad at text threads namin.

Iniisip nga namin, kaya ganun na lang ang pagmamadali niya na magpa-reserve ang mga interested tenant dahil ma-lolock in niya na yung deal. Para sa kanya, hindi na mag-baback out once nag-reserve kasi nga may kalakihan din yung perang ibinigay sa kanya. Mabuti nga at hindi kame tumuloy dahil lumabas yung tunay niyang ugali, na hindi siya mapagkakatiwalaan at pabaya siya sa property niya. Baka bukod sa bahay, problemahin din namin siya.

Ang katanungan ko po, legally po ba pwede ko mabawi ang buong reservation fee based sa misleading yung info sa ad and yung info na sinabi nila? May proof naman na nagbayad kame, nagbigay yung may-ari ng receipt. Maraming salamat po at pasensya na po mahaba ang kwento ko. I-summarize ko na lang po siya:

TL;DR (too long; didn't read): Expecting parents who's looking for apartment. Found one in Manda, posted in OLX. Reserved the unit without checking based on good words from owner but before move-in, it's not in good condition as promised. Trying to refund the reservation fee. Legally, how? Thank you very much!

xtianjames


Reclusion Perpetua

Better raise your concern sa barangay level muna para ma-assist kayo. feeling ko may laban kayo as long as mapapatunayan nyo na iba yung pinost sa add vs sa pinakita na sa inyo lalo pa at kinonfirm ng may ari na yung nasa add yung niriserba nyo.

-not a lawyer

acarnivalmantra


Arresto Menor

xtianjames wrote:Better raise your concern sa barangay level muna para ma-assist kayo. feeling ko may laban kayo as long as mapapatunayan nyo na iba yung pinost sa add vs sa pinakita na sa inyo lalo pa at kinonfirm ng may ari na yung nasa add yung niriserba nyo.

-not a lawyer

Sir Thank you for this. Yes, I'll be taking pics of the unit para mas madaling i-prove.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum