Hi good afternoon. Ask lang po ng legal advice. Nagkakaroon po kami ng issue about sa land property namin. Yung bahay po namin is sa makati. According po sa mother ko, dati daw po para makakuha ka ng property sa makati kailangan daw po yung naka list po ng name ng may ari is sundalo and dapat makapag built ng bahay agad or else makukuha ng iba. So since ang kapatid po niya is sundalo kumuha po silang magkapatid ng place sa makati under sa name ng kapatid niya and ang usapan po is maghahati sila kasi mama ko po ang gumastos ng pagpapatayo ng bahay. Later on po, nag decide yung mother ko na humiwalay at kumuha ulit ng place sa makati sa kabilang street lang ng place ng kapatid niya. Ang name naman po ng ginamit is yung sa father niya which is sundalo din po. So ang nangyare po is naging solo na ng kapatid niya yung isang bahay at hindi na po nakihati yung mother ko. Sa bagong place po na nakuha ng mother ko under sa name ng father niya, siya din po lahat ang gumastos wala pong share ang parents niya or even yung kapatid. Ngayon po kasi naghahabol sila ng part sa bagong place na nakuha ng mother ko. Dahil daw po pangalan yun ng lolo nila. May laban po ba kami para tumanggi? Sana po you can help us. Thankyou
Free Legal Advice Philippines