Attys., ask lang po, umalis po ako ng pilipinas para magbakasyon dahil sa sobrang torture na dinanas ko ilang linggo na sa trabaho. 6am umaalis ako ng bahay namin para pumasok na sa opisina at 10pm na nakakauwi. Binibigyan kame ng deadline sa mga reports na bago lang nila hiningi na hindi na makatao sa haba ng oras sa pagtatrabaho. Sa madaling salita, isang araw hindi na ako pumasok dahil hindi ko na kinaya. Magpapasa sana ako ng resignation letter habang ako ay nasa abroad pero bago ko pa nagawa, napag-alaman ko na sa aking mga contacts na nag-issue ang company ko ng memo for AWOL at termination effect pag hindi ako sumipot or magpaliwanag. Napag-alaman ko rin na may criminal case na ginawa laban sa akin kaya nakakuha sila ng warrant of arrest. Effective lang ba ito sa pilipinas or pwede nila i-enforce abroad kung san ako naroroon? Natakot po kse akong harapin sila ng malaman ko at makompirma thru reliable sources na ganun nga ang ginawa ng aking company sa case ko. Paano po yung stay ko sa abroad, pag nag-renew ako ng passport sa embassy, pwede ba nilang i-reject yun at o-enforce yung warrant of arrest sa akin?
Free Legal Advice Philippines