Yung ate ko nakitira sa amen ng isang taon, kumuha sila ng motor na hulugan mag-asawa gamit yung address namen. Nakapagbayad naman sila for more than 2yrs kahit na lumipat sila ng tirahan, then dumating sa point na hindi na sila nakahulog sa motor kahit na 4-6 months nalang ang utang na hindi pa nababayaran. Isang taon ang lumipas, nagpabalik balik ang naniningil sa bahay namen kahit na hindi na don nakatira ang ate ko samen. Dumating na din sa point na gumawa na ng letter yung baranggay namen na nagpapatunay na hindi na don nakatira ang ate ko sa amen. Akala namen okay na, pero after several months, heto na naman sila. Dahil ang parents ko lage naiiwan sa bahay. Sila ang kinukulit ng kinukulit, tumatawag pa sila sa cellphone ng mother ko. Nasa court na daw at magsasampa sila ng kaso ng CARNAP, sa susunod daw na punta nila, kasama na pulis. na kinakatakot naman ng parents ko.
ANG TANONG KO, MAY OBLIGASYON BA ANG PARENTS KO SA DI PAGBAYAD NG ATE KO? MAY KARAPATAN BA SILANG TAKUTIN AT KULIT KULITIN ANG PARENTS KO? MAY MAKUKULONG BA DAHIL DITO? TAMA DIN BA YUNG SINABE NILA NA MAG FILE SILA NG CARNAPPING DAHIL SA MOTOR?
Any suggestions, opinion naman po. Thanks.