Hello po Attorney, sana po ay matulungan nyo ako at mapaliwanagan kung ano ang dapat kong gawin para matituluhan sa pangalan ko ang nabili kong lupa. Ang sitwasyon po kasi attorney ay ganito. Meron pong malaking lote na sinub divide. Balak po kasing gawing subdivision. Pinatayuan na po ng may ari ng bakod at mga kalsada. Ibinebenta nya na po ito isa-isa at ako po ay nakabili ng isa sa mga loteng ito. Fully paid na po ang loteng binili ko sa kanya. Meron na rin po akong hawak na deed of absolute sale. Marami na rin po kami na nakabili sa kanya ng lote at halos pare-pareho kami ng problema. Papaano ko po kaya ito magagawan ng title sa pangalan ko? kasi ho tax declaration lang ng loteng nabili ko ang ipinapakita ng binilhan ko ng lote. At nung magtanong po ako sa Registry of deeds, ang sabi po ay tax declaration lang ang puede ilipat sa pangalan ko. Ano po ba ang dapat kong gawin o dapat gawin ng may ari para magkaroon ng titulo ang lahat ng loteng sinub-divide nila?
Inaasahan ko po ang inyong magiging payo.
Salamat po.
Inaasahan ko po ang inyong magiging payo.
Salamat po.