Tanong ko lang po kung ano pwede gawin dito.
Sometime around April nagbigay ng salary increase ang company ni "Employee X" na pinagtatrabahuan niya. From 30K naging 40K sweldo niya until this month. Nagbago rin yung nakareflect sa payslip niya na monthly compensation which is 40K. Now, kahapon kinausap si "Employee X" ng employer niya na nagkamali daw sila at wala dapat siyang salary increase this year. Pinapabalik sa kanya yung naibigay nang sweldo sa kanya starting April. May laban ba siya just in case na ayaw niya ibalik yung money since si company ang nagkamali nun at hindi siya ininform kaagad. In good faith niya naman tinanggap yung money knowing na may increase siya since nag-iba yung nakadeclare na compensation sa payslip niya. Another thing, nagastos niya na yung pera.
Should "Employee X" return the money o ilalaban niya? Payag naman siyang ibalik sa dating sweldo niya which is 30K monthly pero di niya na maibabalik yung naibigay sa kanya since nagastos niya na.
Thanks for your help.