Nabuntis yung babae nung 16 years old siya, 16 years old din yung lalaking nakabuntis, nagsasama na sila sa iisang bahay mula nung nabuntis yung babae. Nung mga panahong iyon, inaasikaso na nung lalaki yung papers niya going to CALIFORNIA (USA) kasi nakapetition sila kasama ng dalawang kapatid niyang lalaki at ng papa niya. After manganak nung babae, ipinangalan nung lalaki sakanya yung bata, dala dala ng bata ang apelyedo nung lalaki. Nung 6-month-old na yung bata, dun palang nakaalis yung lalaki papuntang California, hindi niya dineclare na may anak siya, sa paper niya at sa interview. Matatawag bang misrepresentation ang ginawa niya?