Kasal po kami ng asawa ko nung 2011 pa at meron kaming isang anak na lalaki na 5yrs old na. Nakipaghiwalay na sakin ang ang asawa ko nung 2014 at nasa kanya ang aming anak ngayon. Lately nabalitaan ko na nagkaanak na sya dun sa bago nyang boyfriend at nakaapelyido dun sa lalaki nya yung anak nila. Gusto ko lang malaman kung pwede ako mag-file ng adultery case gayong kumpirmado namang nagkaanak sya dun sa lalaking hindi nya asawa kahit nag-eexist pa ang aming kasal. Gusto ko lang din kasing mabawi ang anak ko sa kanya na matagal nyang itinago mula sa akin dahil ayaw nyang malaman namin na nagbuntis sya. Salamat po.