Good day! My bestfriend is a newly Grab a Car driver. Unfortunately, nasagi ng isang truck ang isang bagong Honda City 2016 model na dala niya. Nagreport kaagad siya pulis kasama ang nakasagi sa kanya. Dumating naman ang may-ari ng Honda City at pina-estimate nila ang maaaring maging expenses sa pagpapaayos. Ang estimited cost ay 18,500 (8,500 - repair ng bumber at 10,000 sa headlightna may konting gasgas lang naman) dahil pareho pong walang pera ang dalawang driver, pumayag na lamang ang may-ari ng Honda na paghatian nila ang 8,500 lamang na para sa bumper. Nang matapos na po ang pagpapaayos ng bumper, binigyan naman ng may-ari ng ultimatum ang kanyang driver na mapalitan ang headlight sa loob ng 2 araw. Tumulong na rin po ako sa paghahanap, pero ang kadalasan pong sagot ay mahirap pang kumuha ng stock dahil bagong model. Kinuha ng may-ari ng honda ang lisensiya pati cellphone ng kanyang driver at talagang ginigipit na kailangang mapalitan na ang headlight. Mahirap lang ang buhay ng kaibigan ko na may 4 na anak at maysakit pa ang dalawa sa kasalukuyan. Tama po ba na kumpiskahin ng may-ari ng sasakyan ang lisensiya at cellphone niya at piliting mapalitan ang headlight kahit wala pang perang pambili at walang makitang modelo? Ano pong mga hakbang ang dapat naming gawin kasi everytime na tatawagan namin ang may-ari ng Honda ay hindi po ito sumasagot or magreply sa text. Lagi lamang nitong sinasabi na kailangang mapalitan na ng ganitong araw. Thank you for taking your time to resd this letter. God bless.
Free Legal Advice Philippines