Hi po,
Tanong ko lang po gusto ko po sana mag file ng annulment. Kinasal po kami May 1999. Since po nagsama kami eh nasasaktan nya po ako physically at pinagmumura sa pagtatalo po namin. after po ng mga gingawa nya hihingi po sya ng sorry at ok n nmn po kami. kahit po nung buntis ako at bagong panganak. Hindi po ako nag rereklamo sa barangay or pumunta sa hospital para po magpatingin kahit na po ako nagkabukol or nasugatan. Nitong 2007 lang po ako nag pa medico legal dahi po may ngyari n nmn pong hindi inaasahan. ipapakulonng ko na po sana sya kaya lang po nag dalawang isip pa ko kasi po sya po ang bumubuhay samin at nag aabroad po sya nun so, paano nmn po kami. Hindi n nmn po natuloy ang balak ko hanggang sa nakaalis na po sya ulit. every year po umuuwi sya nag aaway na namn po kami kasi po nalaman kong may kinakasama syang ibang babae. Nasaktan na naman po nya ako. at nagpatingi po ulit ako. nagkaharap po kami sa barangay at nagkasundo dahil po sa pakiusap ng aming mga anak. At nangako po sya na hindi na uulit. Ngunit itoy naulit na naman at hanggan sa dito na sya nagtrabaho sa Pilipinas tuwing mag tatalo po kami ay nasasaktan nya ako, nagbabasag ng mga gamit at minumura po ako. Nagyon po gusto ko na pong ituloy ang balak ko for annulment. May nabasa po kasi ako na libre na po sya ngayon. Tanong ko lang po yung mga records, blotter, medico legal cert valid pa po ba sya or pwede ko po sya gawing evidence until now? Ano po ba ang unang hakbang na pwede ko pong gawin? Sana po ay matulungan nyo ako.
Salamat po,
Alisa
(di tunay na pangalan)