Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Mahigit Isang Taon na Utang at di parin nababayaran.

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

annier6


Arresto Menor

Good Day po Atty, Itatanong ko po sana kong pwede ko pong kasuhan ang friend ko na nasa ibang bansa, Last June 2015 nagpatulong po siya sa akin na maka utang po sa Friend ko ng 40,000 dahil meron daw siyang bibilhin na lupa urgent daw, naawa po ako sa kalagayan niya Ako po ang umutang para sa kanya at July 10.2015 pinakuha po niya sa Cousin niya yong pera. ngpromise po siya na babayaran po niya in 3 months na may interest na 10% kada bwan. ngbayad po siya ng interest from August to November in total of 16,000 pero yong promise po niya na babayaran in full hindi po natupad, sabi niya po babayaran niya po ako pag uwi niya
sa December pero nagtago po siya sa manila, umalis po siya ulit at ng promise na magbabayad daw siya pagdating ng dubai, pero wala po siyang naipapadala and from December 2015 hanggang ngaun po August 2016 ako po ang nagbabayad ng interest na 4,000 bawas sa sweldo ko, in total of 36,000 na at yong principal na 40,000, 76,000 na po at hindi parin po siya nagbabayad, the only evidence ko lang po ay yong complete conversation namin mula nong nag utang siya hanggang ngayon sa FACEBOOK MESSENGER at lahat po ng pagpapaasa niya po na babayaran niya ako.. at kasinungalingan ay nandun. sapat na po bang evidence yun SAVED FULL CONVERSATION NAMIN sa FACEBOOK para makasuhan ko siya kahit
nasa ibang bansa siya? sobrang stress na po ang naidulot niya sa akin sa laki ng halaga ng utang niya na ako po ang nagbabayad, I got pregnant po last June2016 lang at sobrang excited po kami, pero dahil po hindi alam ng asawa ko ang problema ko sa sobrang stress po sa kakaisip kong pano ko mababayaran yong utang niya, Ngmaka awa pa po ako sa kanya pero binaliwala niya at pinapa asa niya po ako... Nakunan po ako last week lang po.. naaawa na po ako sa sarili ko... hanggang ngayon po ay regular pa po ang communication namin and continue parin sa pgpapa asa na magbabayad daw siya. ano po ang dapat at pwede kong
gawin kahit nasa ibang bansa siya? at paano ko po siya makakasuhan? at ano po yong mga kasong pwede kong isampa sa kanya? please help me po with your advice. malaking tulong po yon para sa akin. maraming maraming salamat po.

attyLLL


moderator

It's not clear why you are paying this loan if according to you, you were only requested to get the money for this person.

In any case, 10% monthly interest is an unconscionable rate and if you file a case in court, the judge will likely strike down this interest rate.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

annier6


Arresto Menor

Ang nangyari po kasi Atty. ako po ang nag utang sa kaibigan ko, para sa kanya...Hindi naman po kasi sila magkakilala, dahil po sa ayoko ko pong masira ang pangalan ko at magalit ang kaibigan ko at lagi po siyang nag memessage sakin na magpapadala siya pero pagdating ng araw marami po siyang excuses.. sobrang patience nalang po talaga ang binibigay ko, kasi wala na po akong ibang alam na way, kaya humihingi po ako ng advice kng paano ko siya masisingil sa legal na paraan. ako na po ang nagbabayad ng 10% na tubo every month from december po, dahil hindi ko naman po mabayaran yong principal na 40,000.. nakapangalan po kasi sakin yong utang at un usapan po kasi namin before is hanggang 3 months lang at mafully paid naman niya, nagtiwala naman po ako kasi mabuti naman siyang kausap kaso hindi po siya tumupad sa sinabi niya. siya po yong nagmakaawa noon na tulungan siya na hanapan ng mauutangan, kahit 10% pa daw po  every month at mababayaran naman po niya in 3months. sabi pa po niya noon sakin hindi po daw niya ako bibiguin at hindi sisirain ang pangalan ko.. pero ewan ko at bakit nagawa po niya sakin to, sobrang na stress na po ako at pressured kasi by september po pinapabayaran na sa akin yong 40,000 kahit updated pa yong interest na binabayaran ko kasi more than one year na po daw yong utang ko at kailangan na niya ang pera. lahat po ng conversation namin from the start nong nagutang siya hanggang sa ngayon po, ay nasa Facebook po, yun nalang po ang hawak kong evidence sa utang niya, sapat na po ba un if ever na magfile ako ng case against her? ano po ang pwede kong gawin.. please help me po with your advice.. thank you so much po.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum