gud day po, ask lng k ng legal advice, about sa utang sa giftcheck, nag de deal po kasi ako ng giftcheck, pro convert yon sa cash, yong tiyahin k kmukuha sa akin para e deal man sa iba, pro ang pagkakamali k lng, hindi k sya pinapirma ng kahit na anong papeles kasi nagtiwala naman ako na pamilya, pro ng hindi na bumayad yong kmuha sa kanya, hindi na sya nakabayd sa akin, kasi umalis sa cyprus yong pinautang nya at ang isa pumunta ng manila, yong utang nya sa akin mga 235,000 lahat. pumunta na kmi sa barangay pra masettled pero wla nangyari, kasi ayaw nya talagang mgbayad kasi daw hndi naman kanya ang utang, sa kakilala nya, pinadalhan k narin sya ng demand letter pro wla paring nangyari kasi daw alang k namn na hindi nya ginamit ang pera sa ibang tao daw, pero sya talaga ang kumukuha ng pera sa akin. Kung minsan nga yong kapatid o ang ina k ang ngbibigay ng pera sa kanya tapos yong kasambahay namin nakita rin syang kmukuha ng pera. Kung mgfile ako ng kaso, may chance po ba na manalo ako?