Magandang araw po. Nais ko po sanang humingi ng tulong tungkol sa anak ng boyfriend ko. Mayroon pa syang 5yr old son sa dati nyang live-in partner. Noong una po sya ang may hawak sa bata at hinihiram po ito anytime ng mother nya dahil yung boyfriend ko po ang nagpapaaral sa kanya. Until 1day po hiniram niya ang bata dahil kukuhanin daw po nyang little groom sa kasal nya. Napansin nalang po namin na weeks have passed ay hindi pa po nya binabalik yung bata. Then malaman po namin na wala na po pala syang ibalik ito sa bf ko. Nagmessage lang po ito sa fb. Pero hindi po niya hinintay na sumag ayon ang bf ko, bagkus di na po niya ipinakita ang bata. Pinipilit pong kunin sya ng bf ko dahil magpapasukan na po noon sa kinder at di po marerefund yung tuition fee ng bata. Pero she insist po at sabi na kanya lang daw po yung bata. Then ng balitaan po namin yung bata sa ibang source namin, e naka sit in lang daw po ito sa grade 1 at pumapayat na daw, hindi daw po naaalagaan ng maayos. Minsan po itong inilapit sa mswd ng lokal pero ang lagi pong sinasabi niya ay hindi daw po sinusustentuhan ng bf ko yung bata which is hindi totoo. At lahat po ng binibigay ng bf ko para sa bata habang nasa puder po sya ng babae ay nababalitaan po naming sinisira niya o tinatapon. Parehas po nilang ayaw na visiting rights ang panghawakan nila.
May magagawa po ba kami upang sa bf ko po mapunta ang general custody ng bata? Kasi napag alaman po namin na hindi rin po maganda ang background ng babae, college student ang asawa niya at may 2 anak pa ito. Isang maaring dahilan kung bakit hindi natututukan ang anak ng bf ko. At may kakayahan po ang bf ko na maalagaan ang anak nya at maibigay ang lahat ng pangangailangan nito. At kasal na rin po siya, kumbaga po iba na po ang bitbit niyang apelido.
Umaasa po ako ng agarang sagot sa katanungan ko at kung ano po ang maaari naming gawin. Kapakanan lamang po ng bata ang iniisip namin. Maaga pa lang po ay nagpapasalamat na ako, malaki po ang maitutulong ng payo ninyo.