May 2 hectares po na lupa (rice field) ang mother ko na namana pa nya sa tatay nya. Regular din syang nagbabayad ng amilyar. Ang sitwasyon, yung tiyuhin ko na nakatira malapit sa lupa ay ginamit yung lupa na pagtamnan. Dalawang beses sa isang taon, nag aabot ng dalawang sakong bigas ang nakikitirang tenant sa tito ko bilang kabayaran ng kanilang pagtira sa lupang pag mamay ari ng aking ina. Walang kaalam alam ang mother ko sa mga nangyari.
Ngayon, gusto ng ibenta ng mommy ko ang lupa. Pero, may mga tenants. Paano nya mapapaalis ang mga tenants para maibenta ang lupa? Matagal na silang naninirahan. Ano po ang pwedeng gawin at ano ang laban namin? Paano maibebenta ang lupa ng walang hassle?