Hihingi po sana ako ng tulong. May asawa po ako. nagtrabaho siya sa Dubai 8-9 years ago. Nagkautang siya dun, hindi nabayadan, umuwi ng Pilipinas.
Nagkakilala kami 3 years ago, kinasal sa Singapore at nagkaanak, 2 years old na si baby ngayon.
PAreho kami nagttrabaho sa Singapore. Ngayon, biglang may tumawag sa trabaho ko, nung una sa cellphone ko. Nagrereflect na taga Dubai yung tumatawag.
Nung sinabi ko wag ako tawagan sa trabaho, binigay ko number ko at ng asawa ko, hindi siya tumigil. Hindi ko alam kung saan nalaman yung company ko. Hindi siya tumigil, araw araw tumatawag sa trabaho ko.
Pilit niya ako hinahanap, hindi ko na siya nakakausap dahil bnblock siya ng mga kawork ko pati ng manager ko.
Tinatakot niya ako na may ipapadala sila legal team. Paulit ulit. Sinabi niya yuung rason kung bakit niya ako hinahanap sa lahat ng makakusap niya.
Hindi niya tinatawagan yung asawa ko puro ako lang.
Paano ba gagawin ko. Wala plano ayusin ng asawa ko yun dahil sabi niya hindi niya kasalanan dahil tinanggal siya sa trabaho ng walang palugit. Biglaan na ang daw lahat ang nangyare nuon.
Please. I know I should seek a legal advice personally. However, I did some research first which ends me up here, trying my luck.
Nattrauma na ako. Gusto ko na magresign pero ayaw ng manager ko.
Maghahanap din ako ng lawyer paguwi ng pinas. Nagbabaka sakali ako na may same situation as me sa mga tao dito na pwedeng mag advice.
Salamat ng madami.