Ako (ako po ung lalaki) at ang kinakasama ko po ay hindi kasal pero may anak po kami. Sobrang ubos na din po kasi pasensya ko. Wala ata balak bigyan ng mgandang buhay netong babae ung anak ko. Walang ginawa kung di mag cellphone at nagagalit pa pag sinisita. Sobrang walang kwenta at pasaway. Ang pamilya niya wala pang tigil sa kahihingi despite na alam nila na may buhay na kaming sarili. Marami na po ako hinaing dito sa babaeng to. Gusto ko na po sana siya hiwalayan. At disclaimer lang po. Wala po akong kinkasamang iba o kabit. Maayos po akong lalaki at straight mag isip. Gusto ko lang sana mabigyan ng magandang buhay ang anak ko na alam ko mahihirapan ako pag andiyan siya.
Tanong lang po, may laban po ba ako sa custody ng bata? I am not a practicing lawyer pero somehow may alam din naman po ako. Alam ko na malakas ang panalo niya dahil biological mother siya plus hindi pa kami kasal. Pero may mga factors po akong tinitignan. May laban po ba ako pag ginamit ko yun? Eto ung factors po:
1.) Klase ng pamilya niya, ang dalawang kapatid niya po ay nagkaron na ng kaso. Yung bunsong lalaki oral defamation na areglo lang this year 2016. Yung panganay nila may kaso serious physical injury this year lang din.
2.) Socio-economic status namin. Maliit ang sahod niya at wala pang mga ginagawa sa buhay ang mga kapatid niya nakaasa lang din skanya if ever bblk siya sa bahay nila. For sure hindi niya kaya suportahan ang anak ko.
3.) Health hazard. Ang bahay nila napaka dumi. Sobrang walang hygiene. Kaya ko bgyan ng ebidensya kasi madami na ko picture. Hindi conducive sa bata. Plus ang structure ng bahay nila hindi safe maski nga ata sa matanda.
MAy mga bagay pa ba ko na dapat iconsider dito? sana matulungan niyo po kame ng anak ko.