Kasi po may kasambahay kami, sinisiraan niya po kami sa Mama ko(partner ng Ninong ko) From Kuya ko, Tita ko (napalayas yung 2) sa Boyfriend ko, yung pumalit sa Tita ko, hanggang sakin at anak ng Ninong ko. So ngayon yung pamangkin ko ang laging sinasamahan niya, naging masama po ugali ng pamangkin ko, sinabi ng anak ng ninong ko kay Mama ng mahinahon na wag muna pagamitin ng internet (Nagpost kasi sa FB ng di maganda/disrespecting na patama tulad ng ginagawa lagi nung kasambahay namin) tapos nagAgree si Mama sa kanya, pero pagTapos nila magUsap nagkausap kasambahay namin at si Mama. Nagiba ang kwento ni Mama pagDating sakin, na minamanduhan na daw siya ng anak ni Ninong (Close kami ng anak ng ninong ko at boyfriend ko) tapos kung ano ano na paninira sinasabi ni Mama ,sa anak ng ninong ko, samin ng boyfriend ko, yung iba sabi niya sabihin ko sa anak ng ninong ko (dahil umalis, umuwi ng Malabon, nagrereside dito kasi malapit sa work) tapos nagiguilty kami kasi kilala namin nga yung anak ng ninong ko na hindi naman siya ganun at di namin alam ano nasa isip ng mama ko bakit ganun siya magsalita kaya sinasabi namin sa anak ng ninong ko. Tapos nung paguwi dito di na pinapansin ng Mama ko yung anak ng ninong ko, pagbaba ng kinakapatid ko narinig niyang pinaguusapan siya. So sabi niya ng maayos "Ahh, ako nanaman pala pinaguusapan niyo" Tapos nagalit na si Mama na sabi na "UMALIS KA NALANG DITO! DI KITA PAPATULAN!" di namin alam bakit ganun na si Mama pero ang sabi ng kinakapatid ko "Bakit ba galit na galit ka sakin? Ano bang ginawa ko sayo Tita?" "Ang problema sayo nakikinig ka sa ibang tao(kasambahay namin)" Tapos iba din ang dumating sakin sa kwento ni Mama kesyo inambahan daw siya at sinabihan daw siya ng "O ANO?! ANO?!" kahit hindi naman dahil narinig ko yung paguusap nila. Tapos, nagpasama sakin kinakapatid ko sa Robinson at lumuwas galing Tarlac Ninong ko para maayos na. Di ko alam andun siya sa Robinson. Nagkwento ako at nagtutugma kwento namin ng kinakapatid ko kahit di kami naguusap kaya naniwala si Ninong samin. PagUwi dapat paguusapan namin ng maayos. Pagdating namin naguusap si Mama at yung kasambahay nanaman Nung simula nang iopen, sabi ni mama ng mahinahon "Sorry, o ayan kung may kasalanan man ako, pasensya na. Basta wag nalang tayo magusap habang buhay" sabi ng Ninong ko "Eh kung ganyan edi hindi okay pa" inulit niya sinabi niya. Tapos nung magsasalita na kinakapatid ko bigla siyang sumigaw ang sabi ni Mama "WAG MO KONG KAUSAPIN DI KITA PAKIKINGGAN DI AKO NAKIKINIG SA MGA LAPASTANGAN!" inulit ulit niya yun kada magsisimulang magsalita kinakapatid ko, dahil hindi siya willing makinig, nabastos na kinakapatid ko. Tinawag nadin yung kasambahay. Tapos nagtry ulit kami magpaliwanag. pero inulit ulit ni Mama yung sinabi niya sa kinakapatid ko at kahit sigaw sigawan kasambahay namin parang wala lang sa kanya, di siya naooffend or basta wala siyang expression. Ako natatakot ako kaya di ako nagsasalita. Nabastos na kinakapatid ko kaya napasagot na talaga siya, tapos sobrang nagalit si Mama nagmumura na siya at nagbabanta nang manakit. Pero kami tahimik na. Tapos nanigarilyo si Mama at ako naman pinatawag niya galing sa kwarto. Sinabi niya sakin na pinagaaral niya boyfriend ko tapos nilaglag siya sa kinakapatid ko, nung magpapaliwanag nako, pinaalis niya na ko. Tapos dumeretso ako sa kwarto ng kasambahay namin kinausap ko siya. Pero wala lang talaga sa kanya, dinedeny niya lahat. Tapos sa terrace kami nagstay muna inisip namin na matulog nalang muna si Mama. Pero kaText niya pala kasambahay namin sinasabi ng kasambahay namin na pinaguusapan namin siya. Kaya naginit nanaman siya, pinuntahan niya kami sa Terrace (ni Mama) ng 4 na beses at sumisigaw na sinira daw namin antok niya at pinagtutulungan daw namin siya. At ako daw, di na daw niya ako anak. Pagpasok namin sa kwarto, natulog na ako at kinabukasan ganun padin si Mama pero di nalang kami umiimik. Kinwento niya sa kapatid kong babae at binastos lang ako nung sinubukan kong ikwento. At nagbabantang manakit din ang kapatid kong lalake na kinwentuhan nung kapatid kong babae.
Salamat po sa tulong.