Bago po ako dito. Nakita ko po itong forum na to sa google. Nais ko po sanang magtanong tungkol sa sitwasyon ng anak ko. Hindi po kami kasal ng tatay nya. Nung 2006 po ako nanganak. That time, wala dito ang tatay nung nanganak ako so walang pumirmang tatay sa birth certificate. Pero nung 2007 po inacknowledge nya yung bata through papers na pinadala ko sa kanya. Tapos may notation na po sa birth certificate ng bata na acknowledged sya at apelyido na po ng tatay ang ginagamit nya. January 2007 po nung magpakasal sya sa isang babaeng inanakan nya rin.
Mula nung nanganak ako hanggang ilang taon, hindi sya nagpapadala ng suporta sa bata. Kahit nung after nya na inacknowledge yung bata eh wala pa rin kahit na may trabaho sya sa Cebu pati asawa nya may trabaho rin naman. Nagsimula lang syang magpadala ng pera nung naka-abroad na sya sa Saudi bilang isang Engineer. That was approximately 4 to 5 years ago nung nagsimula syang magpadala ng 4k per month.
8 years old na po anak ko pero hanggang ngayon ganon pa rin ang amount na pinapadala nya. Tumaas na po nga gastusin. Sinabi ko rin po sa kanya dati na kailangan nang dagdagan ang padala nya lalo na't buwan buwan halos nagkakasakit ang bata. Hindi po kaya ng sweldo ko lang ang gastusin. Ang masaklap pa po doon eh mas malaki ang sweldo nya sa akin pero minsan may ilang buwan syang di nagpapadala. Dati apat na buwan syang di nagpadala so nagkautang ako para mapunan ang kulang kong pangbayad sa pangangailangan ng bata. Matapos yung 4 na buwang di sya nagpadala, pinadalhan nya ako ng 16k. Equivalent ng apat na buwang hindi sya nagpadala ng 4k. Pano naman po yung nagkautang ako nang dahil sa ginawa nya eh saktong 16k lang pinadala nya. Ako na nga naghirap maghanap ng pera tapos ako din magbabayad ng interest? Sinabi ko na sa kanya yan pero wala naman syang pinadalang extra. Nakakainis na para sa kanya, ok lang hindi sya makapadala or magkulang padala nya pero ako na nasa akin yung bata, kapag kulang ang pera, wala akong magagawa kundi maghanap ng mauutangan. May habol po ba ako dun attorney or tama lang ba talaga yung 4k every month?
May right po ba ang ama ng bata na kunin ang custody sa akin? Maari ko po bang tanggihan ang monthly nyang binibigay pero di nya na makikita or makakausap ever ang bata, ganun din ang lahat ng kamag anak nya?