Ako nga po pala si Jellie Ann Torres Sadsad kasalukuyang nakatira sa Quadrofelex Brgy. Malaya Mariveles, Bataan. Ask ko lang po sana yung sa situation ng bahay na inuupahan ng nanay ko. Yung bahay po na yun ay isang dormitory para sa mga nagtatrabaho sa FREEPORT AREA OF BATAAN formerly PHILIPPINE ECONOMIC ZONE na pinatayo ni Pres. Marcos. Ngayon po pinaeevacuate po ang mga tao dahil na rin sa kalumaan ng building. Pabahay po ito para sa mga workers mula pa noong 80's19 years na pong nakatira sa Mini Dorm ang pamilya naming umalis lang po ako nung magasawa ako. Ngayon po ilang beses na po nagbigay ng notice ang AFAB para umalis ang mga tao, pero ayaw po nilang umalis sa mga dahilan na:
1. Yung isang buong room po hinati sa 2. Bale mas lumiit po yung unit.
2. Mas mahal ang renta. From P560.00 per unit magiging P1500.00 per unit
3. After 1 year po ay itataas na ang rent sa P5900.00
Willing naman po lumipat yung mga tao basta ibaba ang presyo at mawala yung P5900.00 na nakalagay sa kontrata. Sa ngayon po ay pinutulan ng tubig at kuryente ang mga residente. 12 days na pong nagtitiis ang mga tao. Ano po kaya ang maaari naming gawin dito?